CHAPTER 31

24 12 0
                                    


EZRA'S POV

Another booooring day! Ayoko talaga ng weekends eh. Una dahil boring, pangalawa dahil hindi ko siya makikita at pangatlo, dahil boring ulit.

Nagsusurf lang ako sa social media accounts ko nang biglang nagring ang phone ko. And my heart beats faster when I saw his name flashing on my screen. Tumikhim ako bago sagutin ang tawag.

"Hey." Casual kong bati kahit na ang totoo ay abot tenga na ang aking ngiti.

"Free ka?" Walang kabuhay-buhay na tanong nito.

"Uhmm, lemme see." Sabi ko na kunyari ay inalala ang mga gagawin.

Syempre konting pakipot!

"Kung hindi, okay lang naman Ez." Sabi nito na agad na ikinabawi ko ng planong pagpapakipot.

"Actually, wala naman akong importanteng gagawin. Why?" maagap na sabi ko.

"Labas tayo?" casual lang ang tono niya. Yung tipong 'tara dre, gimmick tayo' o yung 'tara basketball tayo'

Tropa nga talaga ang tingin sakin ni gagu.

"San tayo pupunta?"

"Kahit saan mo gusto." biglang nabuhayan ang durog kong puso.

Eto na ba yun? Ako ang pinapapili niya. Date ba to?

"Uhmm, s-sige sa ano—"

"Pero daan muna tayo sa mall ah? Bibilhan ko ng gift si—"

"Nyeta." Bulong ko pero huminto siya sa pagsasalita kaya kinabahan ako na baka narinig niya yun.

"What?" Tanong niya na ikinabalisa ko.

Gone is the kind lady.

"W-wala. So, mall tapos go na tayo sa gusto kong puntahan?" Masigla kunyaring tanong ko.

"Yeah. Kita tayo sa mall." Sabi niya bago ibaba ang linya.

Wow, di ako susunduin?

Nagdadabog na kumuha ako ng damit at nakasimangot na pumasok sa banyo.

Akala ko naman gusto niya kong makasama ngayon! If I know magpapatulong lang yan sakin maghanap ng ireregalo nya!

Nagsimula at natapos akong maligo nang nakasimangot. Pakiramdam ko nga ay kung nagsasalita ang pader sa banyo ay namura na ako nito dahil sa pagrereklamo ko.

Nag-ayos ako ng sarili. Hindi sa pagiging plastic pero automatic na dapat ay mabait, mahinhin at desente ako kapag siya ang makakasama ko.

Maya-maya ay muling nag-ring ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan ang tumatawag.

Leisza is calling...

"Oh?" sabi ko nang masagot ang tawag.

"Hello din bestfriend. Husay!" Sarkastikong sabi niya. "May lakad?"

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon