CHAPTER 10

49 12 0
                                    

(Ross Villafuente po yung nasa picture)

LEISZA'S POV

Saturday. Maaga akong nagising, pupunta kasi ako sa bahay ng classmate ko, gagawa kami ng report. Tinatamad ako pero di pwedeng hindi magpunta eh.

Katatapos ko lang kumain nang may nareceive akong text.

1 message receive:
Hanz Bustamante

Goodmorning Leisza! How's your sleep?

received: 8:15am

Bigla akong nahiya, naalala ko nanaman yung pag-iyak ko kagabi sakanya, pero hindi ko rin maintindihan dahil parang natutuwa akong sya ang kasama ko sa mga oras na yon.

Reply:

Goodmorning! Okay naman. Bitin lang dahil kailangang gumising nang maaga.

sent: 8:16am

Ilang segundo lang ay nagvibrate ulit phone ko.

Ang bilis naman netong magtext!

1 message receive:
Hanz Bustamante

Bakit? May lakad?

received: 8:16am

Reply:

Yeah. Gagawa ng report.

Sent: 8:17am

1 message receive:
Hanz Bustamante

Saan?

received: 8:17am

Reply:

Kela Alfrea. :)

sent: 8:18am

Nilagay ko na sa bulsa ang phone ko at umakyat sa kwarto para mag-ayos. 8:30 ang usapan namin, ayokong ma-late ako kahit dito lang.

Nagsusuklay ako nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko.

Hanz Bustamante is calling...

Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tawag nya, dahil una sa lahat, bakit sya tumatawag?

Ilang ring pa bago ko maisipang sagutin nalang.

"Hello?" Pambungad ko.

"Nakaalis kana?" Tanong nya.

"Not yet. Why?" Nakaipit ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko dahil nagsusuot na ako ng sapatos.

"Nothing. Take care."

"Okay? Thank you." Napapangiti ako. Tumawag sya para dito?

"Okay. Bye Lei."

"Okay bye-"

"uhm Lei, can I text you kahit nandun ka kela Frea?"

"Sure. Basta wala masaydong ginagawa." Natatawa kong sabi.

"YUN! Okay, bye! Ikaw na magbaba ng phone" sabi nya kaya napangiti ulit ako.

"Okay. Bye." Ayun lang at binaba ko na ang line.

Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin bago bumaba.

Nagpaalam ako sa parents kong nasa sala na pansamantala pang itinigil ang pag-uusap para sa akin. Humalik ako sa mga pisnge nila.

"Bye po."

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon