CHAPTER 14

34 13 0
                                    

LEISZA'S POV

Minsan pala talaga maguguluhan ka sa mga pangyayari, sa mga tao sa paligid mo at sa mismong nararamdaman mo.

Katulad kahapon, wala akong intensyong masama sa sinabi ko. Gusto ko lang talagang asarin si Cindy. Hindi dahil mahal ko pa si Ross. Kundi dahil.. Okay, ang totoo nya ay hindi ko rin alam. Marahil ay hindi ko lang nagustuhan ang mga sinabi niya, kasi parang may gusto syang iparating sa tono ng pananalita nya eh.

Yung nararamdaman ko naman kay Hanz, hindi ko alam kung ano, pero sigurado akong meron.

Sa tuwing katext o kausap ko sya sa phone, nawawala sa isip ang nangyari sa amin ni Ross. Sa tuwing kasama ko naman sya, si Ross mismo ang nakakalimutan ko.

Pero hindi kasi ganun lagi eh. Kapag nakikita kong magkasama si Ross at si Cindy, nasasaktan pa rin ako. Hindi ko maintindihan kung dahil pa rin ba sa nararamdaman ko kay Ross o dahil naiinggit lang ako sa katotohanan na kayang maging expressive ni Ross sakanya, sakin ay hindi. Iniisip ko kasi na pano kung ako yung kasama nya nun, hahawakan nya rin kaya ang kamay ko? Hihintayin nya rin ba ako sa entrance ng school? Malamang hindi. Kaya masakit.

Kahapon, after namin mag-usap ni Hanz ay saktong pumasok sa sala ang mga kasama namin. Umuwi na si Cindy at Ross, wala nang naglakas loob na pag-usapan ang nangyari. Tuloy ang kulitan, pero hindi samin ni Hanz, nahihiya ako sa kanya kaya ilang oras lang rin ay umuwi na ako, hindi ako pumayag magpahatid sakanya.

Hindi ako nakatanggap ng text sakanya bukod sa huling text nyang 'Ingat' kahapon. Nalulungkot ako, nasanay na ata akong 'Goodmorning-to-Goodnight' ay magkatext o magkausap kami.

Linggo ngayon, wala naman sa plano kong lumabas pero pakiramdam ko kasi, ito ang kailangan ko.

Nandito ako sa mall na madalas naming puntahan nila ate, naglalakad-lakad ako at tumitingin ng mga pwede kong mabili.

Hindi ko maiwasang hindi tignan ang phone ko. Hindi talaga ako sanay na kahit isang text mula sakanya ay wala.

Hindi pa ako pagod, pero nanghihina  ako kaya umupo muna ako sa bakanteng bench. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko na syang tawagan kaso nahihiya ako. Hawak ko lang ang phone ko at nakatitig lang ako sa screen nito.

"Lei?" May pamilyar na boses akong narinig. Bumilis ang tibok ng puso ko at mas lalong hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tumingala ako at nakita ko ang taong tumawag sakin.

Siya nga.

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong nya at umupo sa tabi ko.

Paano ko ba sya kakausapin?

"Uhhm. Oo eh." Naiilang na sagot ko.

"Bakit?" Nakatingin sya sa ibang direksyon

"W-wala. Boring sa bahay eh. Ikaw? M-mag-isa ka lang?" hindi rin ako makatingin sakanya.

"Ako lang din mag-isa. May binili lang ako." Sagot nya.

"Ahh. B-bakit di mo kasama si C-Cindy?" Nahihiyang tanong ko.

"Kailangan ba lagi kaming magkasama?" Pagbabalik tanong nya. Hindi ako nakasagot agad. "Okay ka lang ba?" Pagtatanong nya ulit.

"O-oo. Ayos lang ako. Ikaw? Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung saan patungo ang usapang ito.

"Mahalaga pa ba sayo kung okay ako?" napatingin ako sakanya. hindi ko mabasa ang emosyon mula sa mata nya.

"Ha? O-oo naman! P-pero alam ko namang okay ka! Haha ay ewan bakit ko nga ba natanong pa yun!" Para akong tangang tumawa nang pilit.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon