CHAPTER 32

22 10 0
                                    

LEISZA’S POV

Halos ibato ko ang alarm clock ko nang magsimula itong tumunog. Sobrang sakit ng ulo ko na pakiramdam ko ay mabibiyak ito anumang oras.

Bwisit ka Ez!

“Leisza papasok ka ba o hindi?” nagulat ako nang biglang may humila ng kumot mula sakin.

“Ate, di ka nanaman kumatok!” inis na sabi ko at ibinaon ang mukha sa unan.

“Gaga, kanina pa ako kumakatok, sabi ni mommy ako na ang gumising sayo dahil hindi maaasahan ang alarm clock mo-”

“Ang ingay mo!”

“Tumayo ka na dyan! Lagot ka kay Daddy at kuya. Inom pa more sis.” Pang-aasar niya kaya halos mapigil ko ang hininga ko.

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi, alam kong naglasing kami pero hindi ko alam ang detalye, ngayon ay malalagot ako sa pamilya ko.

“Ano? Paaakyatin at ipapasundo ba kita kay kuya Louie-”

“Eto na babangon na! Lumabas ka na ate!”

“Takot ka no-”

“Ate please!”

“Naku! Eh kung sinama niyo sana ako-”

“Te, masakit ang ulo ko.”

“Oo na! lalabas na! dalian mo dyan ah!” sabi niya at ibinato pa sakin ang kumot ko, napasimangot nalang ako.

Inis na bumangon ako at naghanda para maligo, kahit na sobrang sakit ng ulo ko ay sinikap kong kumilos nang mabilis, hindi magandang pag-antayin si kuya lalo na at alam ko ang ginawa kong kasalanan. Mas takot kami ni ate Lesley sa kanya, masyadong mabait ang parents namin, sayang lang at hindi namana ni kuya yun.

Habang nag-aayos ay sinikap kong alalahanin ang mga nangyari kagabi.

“P-pwede mo bang.. sabihin kay Hanz na bumalik na siya sakin? S-sobra na kasi akong nasasaktan eh. N-nagseselos na ako pero wala akong karapatan Ross. Wala akong magawa. I miss him.”

Halos mabitawan ko ang suklay na hawak ko at talagang nanlaki ang mga mata ko. Alam kong nandun si Hanz, hindi ako pwedeng magkamali. Maaaring hindi ko siya maalala nang sandaling iyon, pero alam kong nandun siya.

“Oy Lei ano na?!” sigaw ni ate sa labas kaya bumalik ako sa wisyo.

“M-matatapos na!” sigaw ko pabalik.

Isinantabi ko muna ang nangyari kagabi at kinuha lahat ng gamit ko bago bumaba. Nadatnan ko silang kumakain na, hindi ko masalubong ang tingin ni kuya Louie sakin.

“Goodmorning. Bakit hindi ka naka’uniform?” tanong ni mommy. Lumapit ako sa kanila ni daddy para humalik sa pisnge.

“Goodmorning po. Wala kaming klase ngayon. Foundation day po.”

“I see. Kain na.” sagot ni mommy kaya umupo na ako sa pagitan nila ni ate Lesley.

“So, care to explain?” napapitlag ako sa biglaang pagsasalita ni kuya. Deretso ang tingin niya sakin kaya hindi ko maiangat ang paningin ko.

“Louie, let your sister eat first.” Sabi ni mommy kaya napahinga ako nang malalim.

“Alright.” Kibit balikat ni kuya

Kumain kami nang tahimik, pasimple akong inaasar ni ate Lesley kapag dumadapo sa kanya ang paningin ko. Hindi ko naman masalubong ang mapanuring paningin ni kuya Louie. Alam kong gusto na rin akong pagalitan ng parents ko pero dahil nga sa respeto sa pagkain ay nagpipigil sila.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon