CHAPTER 17

37 13 0
                                    

HANZ' POV

Minsan masaya rin pala ang magtampo-tampuhan. Sinadya kong hindi itext si Leisza kanina, pero nung nakita ko ang reaction nya nung nasa canteen kamu, iba talaga sa pakiramdan eh, parang ang saya.

Ngayon ay kumakain na kami ng mga kagrupo ko, katatapos lang namin gawin ang research namin, paghahanda raw to para sa thesis namin kahit matagal pa naman yun.

Gusto ko nang makita si Leisza, namimiss ko na talaga sya.

Pagtapos kumain ay nag-uwian na rin kami, dahil bukod sa gabi na, pinapauwi na rin kami ng guards sa school.

Sa halip na sa bahay ako dumiretso ay yung daan patungo sa bahay nila Lei ang tinatahak ko, hindi ko alam pero gusto ko talaga syang makita.

Pagdating sa tapat ng bahay nila ay bumaba ako at sumandal sa kotse pagtapos ay tinawagan ko sya. Ilang ring lang ay sinagot naman nya.

"Hello?" Sagot nya sa kabilang linya.

"Hi Leisza." pinilit kong pasiglahin ang tono ko pero talagang pagod ang nararamdaman ko ngayon.

"Hey, kamusta? Natapos nyo?" Tanong nya.

"Mm. Yeah. Kumain kana?" Mahina kong sagot.

"Done. Ikaw? Gusto mo nang magpahinga?"

"Kumain kami bago umalis sa school. Matutulog ka na? Nandito ako sa tapat ng bahay nyo ngayon."

"What? Anong ginagawa mo dyan? Late na ah?" halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"I told you, namimiss kita. Pero kung matutulog ka na okay lang naman." Ayos lang naman talaga kung di na sya makababa, sapat na yung alam kong malapit sya sakin.

"No, pababa na ko. Wait for me." Sabi nya at ibinaba ang tawag ko.

Napangiti nalang ako at sumandal lalo sa kotse ko habang hinihintay ang paglabas nya.

Maya-maya lang ay nakita ko na syang lumabas ng gate, umayos ako ng tayo, nginitian nya agad ako habang naglalakad palapit sakin. Ngumiti rin ako bago sumandal ulit hanggang sa tuluyan syang makalapit.

"Hey, Late na ah?" Nakangiti nyang sabi.

"Namiss nga kita." Ramdam ko na ang antok, pero ayos lang. Napabuntong-hininga pa sya bago pumunta sa harapan ko.

"Pagod na pagod ka na oh? dapat dumiretso ka na ng uwi." Nag-aalalang sabi nya, lalo akong napangiti.

"Namiss nga kita." Pag-uulit ko.

"Ewan ko sayo!" Natatawang sabi nya na ikinatawa ko rin.

"Totoo naman eh. Buti pinayagan kang lumabas?" Tanong ko na sumulyap pa sa gate nila, ang cute nya sa pajamang suot nya.

"Hmm. Dito lang naman eh." Sabi nya tapos ay tumabi sya sakin at sumandal din sa kotse ko.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko habang nakatingin sa mukha nya.

"Hindi pa naman. Ikaw? Halatang pagod ka." Hindi ko alam pero parang ang lambing ng pagkakasabi nya nun.

Hindi ko napigilang ipatong ang ulo ko sa mga balikat nya, hindi sya katangkaran kaya kinakailangan ko pang ibaba nang konti ang katawan ko. Ramdam kong nagulat sya sa ginawa ko pero maya-maya ay naramdaman kong isinandal nya ang ulo nya sa ulo kong nakapatong sa balikat nya kaya napangiti nanaman ako.

"Pagod nga ako Lei. Pero namiss talaga kita." Mahinang sabi ko.

"Magkikita naman tayo bukas eh. Sana nagpahinga ka na lang ngayon Hanz." halata sa boses nya ang pag-aalala.

"Five minutes. Five minutes nalang Lei." Nakapikit na sabi ko. Napabuntong hininga sya at lalong isinandal ang ulo sakin, hindi na sya nagsalita.

Okay ako sa katahimikang ganito, basta nasa tabi ko sya.

"Namiss din kita." Napadilat ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya bigla, pero nakayuko lang sya.

"Anong sabi mo?" Nakangiti kong tanong.

"W-wala sabi ko umuwi ka na para makapagpahinga ka na!" Sinabi nya yun habang kung saan saan binabaling ang tingin.

"Namiss mo rin ako?" nakangiting tanong ko.

"Narinig mo naman pala eh!" Pagalit kunyaring sabi nya kaya natawa nanaman ako.

"So namiss mo nga ako?" Pangungulit ko pa.

"Ewan ko sayo! Late na uwi na!" Umiiwas na sabi nya.

"Uuwi na ko, sabihin mo munang namimiss mo ko." ang cute nya kapag nagbablush sya.

"Uwi na!" Utos nya.

"Namiss mo ko?" Pangungulit ko pa rin.

"OO NA! I missed you too. Okay na? Uwi na! Ano?" Natatawa ako sa reaction nya pero mas kinikilig ako. Hahaha nakakabakla pala.

"Hahaha opo uuwi na po ako!" Natatawa kong sabi. Umalis sya sa pagkakasandal sa kotse ko at pumunta sa harap ko.

"Sige na. Ingat ka ah?"  Nakangiting sabi nya. Umayos ako ng tayo at lumapit sa kanya, dahan-dahan ko syang niyakap. Nagulat sya pero naramdaman ko rin ang pagyakap nya.

"Salamat Lei." Bulong ko.

"For what?" Tanong nya habang magkayakap pa rin kami.

"Para sa chance na makasama kita at maramdaman ko ang lahat ng ito." Sagot ko naman bago kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya, nakangiti lang syang nakatingin sa akin.

"Mag-ingat ka sa pagdadrive ah? Text me when you're home." sabi nya.

"Magkasama palang nga tayo gusto mo na agad akong katext?" Biro ko sa kanya.

"Mukha mo! Edi wag mo na kong itext!" Pagbawi nya bigla. Naalala ko nanaman yung reaksyon nya nung tinanong nya kung may load ba ako. Natawa ako bigla.

"Joke lang. I'll text you. Pero kung inaantok ka na, matulog ka na, okay lang na di mo ko mareplyan." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"No, hihintayin ko yung text mo. Ingat ka sa byahe." lalo akong napangiti sa sinabi nya.

"Okay, bibilisan ko na makauwi kung ganun para makapagpahinga ka na rin. See you tomorrow Lei, pasok ka na." Sabi ko habang kinukuha ang susi sa bulsa ko

"Wag masyadong mabilis. Pag-alis mo, dun ako papasok."

"No, pumasok ka na, kahit sa gate lang, dun mo nalang ako hintaying makaalis." Sabi ko at kinuha ko na ang kamay nya at hinatid sya sa gate, pinapasok ko sya sa loob at ako pa mismo ang naglock ng gate nila.

"Uwi na ko ah? I miss you." Paalam ko sa kanya.

"Take care okay?" Nakangiti nyang sabi.

"I miss you." Pangungulit ko, natawa naman sya.

"I miss you too."

"Yun! Next time I love you na yan!" Biro ko. Lalo syang natawa. "O sige na Lei ah? alis na ko. Bye." Tinignan ko nang maigi ang mukha nya.

"Bye. Papasok ako pag-alis mo." Nakangiting sabi nya.

"Okay sige bye." Sabi ko at tumalikod na, baka kasi hindi na matapos ang pagpapaalam namin.

Sumakay na ko ng kotse at ibinaba ang bintana.

"Pasok ka na ah?" Sabi ko sa kanya at tango lang ang isinagot nya. Bumusina ako ng isa bago tuluyang umalis.

Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko at naalis ang pagod ko.

Iba na talaga ang inlove.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ko sa kwarto, tinext ko na si Leisza bago ako maglinis ng katawan. Nagkatext pa kami nang konti bago tuluyang matulog.

Ang saya lang talaga, mas lalo akong nainlove sa kanya.

Sana laging ganito.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon