CHAPTER 21

38 12 2
                                    

LEISZA'S POV

Maaga akong nagising at pumasok ngayon. Excited ako na hindi ko maintindihan.

Sinabi ko kay kuya na wag na muna nya akong sunduin kasi may gagawin kaming project sa bahay ng classmate ko, syempre nagsinungaling ako.

Nandito ako ngayon sa canteen at hinihintay si Ezra. Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko.

Hanz is calling..

Hindi ko alam kung bakit, pero para akong kinabahan kahit walang dahilan.

"H-hello?" Sagot ko, narinig ko ang pagbuntong-hininga nya sa kabilang linya.

"Goodmorning." Plain na bati nya.

"G-goodmorning." Sabi ko na pilit ang ngiti kahit hindi naman nya ako nakikita.

"Kagigising mo lang?" Tanong nya kaya hindi ko alam ang isasagot ko. Ilang segundo muna bago ako nakasagot.

"N-nasa school na ko Hanz eh." Naiilang na sabi ko.

"Ahh. You didn't text me." Mahinang sabi nya, lalo akong nawalan ng sasabihin. Nanatili lang akong tahimik. "Sige, magreready na ko-"

"T-teka Hanz!" Pagpigil ko sa kanya.

"Hmm? Why?"

"H-hindi ako nakapagtext kasi ano.." bakit nga ba? Bakit hindi ko sya tinext? I'm busted.

"Ayos lang. Ineexpect ko na to actually." Bahagya pa syang tumawa kaya nagtaka ako.

"Ineexpect mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Sige na Lei ah? Mag-aayos muna ko. Bye."

"Ingat ka-" binaba na nya ang linya.

Nanlumo ako bigla, anong ineexpect na nya yun? Tss. Weird din talaga minsan ni Hanz eh.

Ilang minuto pa ay dumating na si Ezra, syempre OA nanaman na akala mo isang himala ang pagpasok ko nang maaga. Haynako! People nowadays.

Pumunta na kami sa pila at nagkwentuhan. Tinignan ko ang pila ng kabilang section at hinanap ko sya. Tinignan ko rin ang pila namin.

Wala pa rin.

"Wala pa rin si Hanz?" Biglang sabi ni Ezra. Napatingin naman ulit ako sa pila nila.

"O-oo nga eh." sabi ko nalang.

"Bakit kaya? Never pa yun na-late di ba?" Tanong nya ulit. Napaisip naman ako, ang sabi nya kanina ay mag-aayos na sya.

Hindi naman sya ganun kabagal kumilos ah?

"E-ewan ko. Bat ba hinahanap mo Ez? Ikaw ah?!" Pang-aasar ko sa kanya, natawa naman ako sa reaksyon nya.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon