CHAPTER 12

37 13 0
                                    

LEISZA'S POV

Monday nanaman! Hindi ko naramdaman yung weekends ah! Tumayo na ko para mag-ayos. Mahirap ma'late ngayon eh, kailangan ko pang reviewhin yung report ko para mamaya.

Kayo ba yung tipo ng tao na pagbangon hahanapin agad yung phone? Kasi ako, oo eh.

Pero pagtingin ko sa screen ng phone ko, walang text galing sa inaasahan ko. Nadismaya ako, pakiramdam ko sira na ang araw ko. Hindi ako OA, pero ganun talaga nararamdaman ko ngayon!

O baka naman masyado lang akong maaga nagising? 4:45am palang naman.

PERO KAHIT NA!

Naiirita akong tumayo at nagpunta sa banyo. Naghilamos, nagtoothbrush at kung ano-ano nang ginawa ko mapatagal lang yung oras. Masyado pa kasing maaga para sa akin, usuallt kasi, ganitong oras ay di pa gising ang diwa ko.

Paglabas ko sa banyo ay kinuha ko na lahat ng kailangan ko para makaligo na rin, pero di ko mapigilang hindi tignan ang phone ko, kaso nadismaya lang lalo ako kasi wala pa ring text!

Nakangusong naglakad nalang ako pabalik sa banyo, nung nasa tapat na ko ng pinto ay narinig ko bigla na tumunog ang phone ko, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko pero tumakbo talaga ako papunta sa study table ko at kinuha agad ang yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at lalo pa itong bumilis nang makita kung sino ang nagtext.

1 nessage receive:
Hanz

Goodmorning Lei. :)

received: 5:00am

Napangiti ako, nabawi na yung pagkairita ko kanina.

Reply:

Goodmorning :)

sent: 5:01am

Umupo muna ako sa kama ko habang naghihintay ng reply nya. Nakalimutan kong maliligo na nga pala dapat ako. Ilang minuto pa ang lumipas pero wala paring reply.

Ang tagal naman.

At pagtapos ng ilan pang minuto, sa wakas ay nagreply na rin sya!

1 message receive:
Hanz

Hey sorry nakatulog ulit. Haha inaantok pa ko eh.

received: 5:09am

Reply:

Bakit? Puyat ka no?

sent: 5:09am

1 message receive:
Hanz

Yeah. Ikaw kasi eh. Haha

received: 5:10am

Reply:

Bakit ako? :o

sent: 5:10am

1 message receive:
Hanz

Di ako makatulog kaiisip sayo eh. :(

received: 5:11am

Napangiti ako.

Reply:

Baliw. Haha kumilos kana!

sent: 5:11am

1 message receive:
Hanz Bustamante

Eto na nga po! Ang bilis mo magreply ah? Ano nang ginagawa mo babe? :)

received: 5:12am

Pakiramdam ko sobra akong nanlamig nang mabasa ko yun. Di ako nakapagreply agad.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon