CHAPTER 20

35 12 1
                                    

LEISZA'S POV

Hindi ko maintindihan ang mga taong nakapaligid sakin. Naiinis ako, pakiramdam ko sinasabi na nila sakin kung anong nangyayari, hindi ko lang maintindihan. Na para bang ako lang ang hindi makaintindi.

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nag-usap kami ni Ezra, hanggang ngayon hindi pa rin ako nalilinawan. Nakakatanga.

Pinipilit ko si Hanz na umamin kung may nalalaman ba sya, pero iniiba nya agad ang topic. Si Ezra naman ay naghehesterikal kapag nagtatanong ako, parang tanga.

Nandito kami ngayon sa canteen at hinihintay si Hanz na makabalik, sya ang bumili ng makakain namin.

"Lei sinong katext mo?" Tanong ni Ezra nang mapansin nyang kanina pa ako nakayuko sa phone ko.

"Uyy Leisza!" Pagtawag nya ng pansin ko pero do ko pa rin sya pinapansin.

"Leisza ano ba! Parang tanga eh-"

"Wag ka munang magulo!" pagpigil ko sa pagdadaldal nya. Napaawang ang bibig niya at napatingin nalang sakin.

Hindi ko alam, sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung anong nangyayari. Kung sila ni Hanz ang tatanungin ko, wala akong makukuhang matinong sagot!

Napabuntong hininga ako nang makita kong nagsend ang text ko!

Please magreply ka..

"Lei sino bang katext mo?" tinignan ko lang sya, tapos ay binalik na ang paningin sa phone ko.

Halos mapasigaw ako nang mabasa ang reply nya:

I'll think about it.

Sa wakas! Hindi ako sigurado pero kahit papano, alam kong may malalaman ako.

Binalingan ko ng tingin ang nagmumukmok na si Ezra at natawa nalang ako sa kanya! Bulong sya nang bulong na akala mo ay inapi ko!

"Leche! Wag mo kong tawanan! Bwisit!" Parang bata nyang sabi at lalo lang akong natawa!

"Ano ba Ez! Para kang bata eh-"

"Oh nag-aaway nanaman kayo?" Biglang sumingit si Hanz at nilapag ang mga pagkain bago umupo sa tabi ko.

"Ayan kasing si Leisza! Hindi ako pinapansin kanina pa! Text lang nang text! Sino kayang katext nya eh nandito naman tayo!" Pagdadrama nya. Napatingin naman sakin si Hanz at nangunot ang noo.

"Katext?" Tanong nya. Nagkibit balikat nalang ako at sumenyas na kumain na kami.

"Uyy Lei! Sino nga yun?" Pangungulit parin ni Ez.

"Wala nga! Kumain ka na!" Iritado kunyaring sabi ko.

"Sino pa kaya ang katext nya kasama naman nya kami!" Pagpapatuloy nito na parang kinakausap ang pagkain sa harap nya.

"Ano ka ba Ez, di lang naman kayo ang pwede kong itext ah?" Natatawa kong sabi.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon