CHAPTER 6

36 13 0
                                    

LEISZA'S POV

Baka ganun nga talaga.

Baka tanga lang talaga ako para hindi maisip na may iba na sya, kaya kahit itext man lang ako, hindi nya pa magawa.

Nasakal ba sya sakin? Sa ano at paanong paraan?

HINDI KO MAINTINDIHAN!

Ang naiintindihan ko lang sa ngayon, MASAKIT. SOBRA.

Hindi ako pumasok ngayon. Magang-maga ang mga mata ko kakaiyak.

Halos 3am na ako nakatulog, at ngayong 7am palang, mulat na mulat na ang mga mata ko.

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto.

"Lei?" Boses ni ate yun. Wala ba syang pasok ngayon?

"Lei gising ka na ba?" Ano bang kailangan nya nang ganito kaaga?
"Sis I'll go in na ha?" Malumanay na sabi nya nang di pa rin ako sumagot.

Nagtalukbong ako bago pa man sya makapasok.

"Hey sis. Anong problema? Masakit daw ulo mo sabi ni mommy?"

Bakit ba nagtatanong pa sya. Wala akong ganang kumausap sa kahit sino ngayon.

"Ulo ba talaga ang masakit sayo? O puso mo?"

Sa narinig ko, tumulo nanaman ang luha ko. Akala ko ubos na to sa dami ng iniyak ko mula kahapon.

Naramdaman ko ang pag-upo ni ate sa gilid ng kama ko.

"Leisza gusto mong pag'usapan natin? Don't worry, secret lang promise. Talk to me. Kung gusto mong tumahimik lang ako, okay lang. Pakikinggan lang kita. I'll hug you pag gusto mo ng makakapitan. Kung gusto mong isipin na ako si Ross, go lang. Sigawan o murahin mo ko. Mawala lang yang sakit kahit papano."

Pakiramdam ko hindi ko na kaya. Ang sakit na ng dibdib ko kapipigil na wag humagulgol.

Umupo ako at yumakap sa ate ko. Maybe ito ang kailangan ko ngayon. Ang masasabihan ng nararamdamang sakit.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni ate kaya naman di ko na kinaya. Humagulgol na ko sa kanya.

"Shh. It's okay Lei. Ate's here. Iiyak mo lang yan."

Ilang saglit pa bago ako tumahan. Hindi ko magawang kumalas sa pagkakayakap kay ate. Pakiramdam ko ay sya ang umaalalay sakin para di tuluyang manghina.

"Ate ang sakit-sakit kasi eh. Di ko alam kung anong nagawa ko. Di ko maintindihan, kasi ate pakiramdam ko, dinaya ako. Sana sinabi nya nalang agad kaso pinatagal nya pa eh. Ang hirap ng pinagdaanan ko sa mga buwan na kami pa. Ngayon, halos pinatay nya na ko eh." Mahabang sabi ko habang umiiyak.

"Shhh. Listen sis. Ang mga lalaki, kung talagang ayaw na nila, sasabihin nila agad. Kung talagang matagal nang gustong kumawala ni Ross sayo, hindi na nya paabutin sa ganito na alam nyang mas masasaktan ka. Sigurado akong nahihirapan din sya ngayon."

"No! Inlove sya sa iba ate! Alam kong masaya sya ngayon, kasi finally pwede na sila. Wala na ko. Wala nang hadlang." Bahagyang natawa si ate pagtapos kong magsalita, bagay na ipinagtaka ko.

"Minsan Lei, may mga bagay na mahirap, pero kailangang padaliin. May mas malalim na dahilan pa sila, pero mas pinipili nilang gumawa ng ibang dahilan para mas madaling matanggap. Mas madaling proseso yun."

"Kung ganun, bakit ako nahihirapan ngayon ate? Nasan yung madali na sinasabi mo? Bakit ang sakit-sakit? Kailan pa naging madali ang masaktan?" Nagsimula nanaman ang paghagulgol ko.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon