CHAPTER 16

38 13 0
                                    

CINDY'S POV

Nandito ako ngayon sa classroom namin, 15 minutes na pero wala pa rin ang next teacher namin. Nakatingin lang ako sa nakayukong si Leisza. Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya. Pero wala eh, kailangan kong gawin to.

Naglakad ako papunta sa kanya at kinalabit sya. Agad naman syang nag-angat ng tingin at nangunot ang noo nya nung ako ang bumungad sa kanya.

"Hi." Nakangiti kong sabi.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nya.

"Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" Nakangiti ko pa ring tanong. Pinasadahan nya ng tingin ang mga kaklase namin bago nya ako tignan nang matagal pagkatapos ay tumayo siya at naglakad palabas.

Napangiti ako at sumunod sakanya. Biglang sumigaw si Ezra.

"San punta mo Leisza?!" Tanong nya sa kaibigan at sumulyap sakin, inirapan nya ko pero hindi ko nalang pinansin.

"Dito lang. Saglit lang Ez." Sagot naman nito pagtapos ay lumingon sakin bago magpatuloy sa paglalakad.

Ramdam ko ang matalim na pagkakatitig sakin ni Ezra pero nilagpasan ko nalang sya.

Tss.

Nakatayo si Lei sa harap ng classroom namin pero nakadungaw sa baba at hinihintay ako. Nakangiti akong lumapit sakanya.

"Para saan to?" Agad nyang tanong. Napabuntong hininga ako.

"Kay Ross." Alam kong alam nyang si Ross ang pag-uusapan namin. Natahimik sya at medyo natagalan bago sumagot.

"Oh? Anong meron sa kanya?" Pareho kaming nakatingin sa field ng school.

"You were with him yesterday." Sabi ko. Hindi isang tanong yun. Pinanood ko ang reaksyon nya. Bahagya syang nagulat, di nya siguro akalain na malalaman ko yun.

"Yes. I'm with him." Sagot nya na hindi inaalis ang paningin sa field.

"Well, alam mo namang kami na di ba? I'm sorry kung nasaktan ka namin Leisza. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Ako na ang karelasyon ni Ross." Dahan-dahan kong sabi. Napansin ko ang pagyuko nya bago humarap sakin.

"Cindy hindi sinasadya yung pagkikita namin kahapon. At isa pa, di mo kailangang gawin to dahil hindi na talaga kami magbabalikan ni Ross. Kung iniisip mo na may plano pa akong makipagbalikan sa kanya, di na mangyayari yun, dahil nung araw na nakita ko kayong magkasama, tanggap ko na." sabi nya. Naiintindihan ko lahat ng sinabi nya, pero hindi na yun ang mahalaga ngayon eh.

"Okay Lei, I'm sorry. Pero hindi na kasi yun yung issue ngayon eh. Tapos na yun di ba? Ang gusto ko lang naman sabihin sayo ngayon, layuan mo na si Ross. Hindi nakakabuti sa kanya ang pagkikita nyo-- I mean, sainyong dalawa, hindi yun nakakabuti. Matalino ka, alam kong alam mo kung anong gusto kong iparating." sabi ko sakanya. Sinisikap kong maging kalmado ang pananalita ko. Napatitig sya sakin.

"Ayun lang ba ang sasabihin mo? Sabi ko naman di ba? Di mo na kailangang gawin to dahil hindi na kami magbabalikan pa. Makakaasa kang di ko kayo guguluhin." Ayun lang at umalis na sya sa harap ko. Napapikit ako nang mariin.

Nahihirapan ako sa sitwasyon namin, pero wala akong magagawa eh.

Naglabasan na ang mga kaklase ko. Siguro di na hihintayin si Ma'am dahil ilang minutes na syang late. Mukhang mapapaaga ang lunch break namin.

"Uy Cinds tara! Di na dadating yun si Ma'am!" Sabi ni Hazel na inabot sakin ang bag ko.

"Thank you! Tara kain na tayo?" Nakangiti kong tanong habang inaabot ang bag ko.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon