CHAPTER 30

30 11 1
                                    

LEISZA'S POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Ross, papunta kaming school. Sinundo niya kasi ako kaninang umaga. Nagulat pa ako nang sabihin ni mommy na may bisita daw ako. Syempre hindi ko inaasahan yun. Ang aga-aga eh.

Ang sabi ni Ross ay sira daw ang kotse ni Hanz kaya nakiusap ito na makisabay sa kanya. Pero nang malapit na sya sa bahay nila Hanz, sinabi nito na okay na daw ang kotse niya at para di masayang ang binyahe ni Ross nang napakaaga ay sinuggest ni Hanz na sunduin nalang ako, kaya heto, nakaupo ako ngayon sa passenger's seat nya.

"Anong iniisip mo?" Maya-maya ay tanong niya.

"Wala naman. Inaantok pa 'ko eh." Nakangiting sagot ko. Napangiwi naman siya at ibinalik sa daan ang paningin.

"Sobrang aga ko ba?"

"Hindi. Lagi naman akong inaantok talaga." Sinagot niya na lamang ako ng ngiti.

Tumingin na lang ako sa labas at napapabuntong hiningang pinapakiramdaman ang phone ko. Kahit text manlang sana sa araw na to ay maisipan niya.

"Bro." napalingon ako sa gawi ni Ross nang marinig siya. May kausap siya sa phone.

"Oo kasama ko siya." sinulyapan niya ako. Nangunot ang noo ko, alam kong ako ang tinutukoy niya. "Talaga? Sige ingat kayo." Sabi niya bago ibaba ang linya. Nakatingin lamang ako sa kanya kaya nginitian niya ko.

"Si Hanz yun. Tinatanong kung nasundo daw ba kita." Sabi niya. Pakiramdam ko ay lumamig lalo ang paligid. Ang taong hinihintay kong magtext manlang sakin, ayun, sa iba tumawag.

"T-talaga? May k-kasama siya?"

"Si Azalea." Simpleng sagot niya. Hindi niya ko tinitignan.

Sa mga oras na yun, tuluyan nang nanlamig ang pakiramdam ko.

"Ganun ba?" Pilit ang ngiting tanong ko pero sinagot niya lang ako ng tango.

Papasok palang kami pero parang gusto kong hilingin na ihatid niya na ko sa bahay. Ayoko nang pumasok. Ayoko silang makita.

Tumahimik na lamang ako hanggang sa makarating kami sa school. Pinagbuksan niya ko ng pinto at sa kamalas-malasan ay kitang-kita ko sa di kalayuan ang pagbukas ni Hanz ng pinto ng kotse para kay Azalea na nasa passenger's seat.

Seryoso?

"Uy!" Naramdaman ko ang palad ni Ross sa mga mata ko na para bang tinatakpan niya ang paningin ko. Iniiwasan niyang makita ko ang nasa harapan, pero huli na. Nakita ko na.

"Tara na?" Nginitian ko lang siya bilang tugon. Wala akong planong magsalita. Tinatamad ako.

"Uy sila Lei oh!" Narinig ko nanaman ang nakakairitang boses na yun. "Goodmorning!"

Bumati pa! Lakas!

Hinarap ko sila at ngumiti. "Goodmorning din Azalea." Tinignan ko si Hanz na nakipagtanguan kay Ross.

"Morning Az." Simpleng sabi ni Ross sa kanya.

"Sinundo mo siya?" Nakangiting tanong niya kay Ross na tinuro pa ako. Nang-iintriga ang tono ng pananalita.

"Oo." Inakbayan ako ni Ross at inilapit sa kanya. "Ikaw? Sinundo ka ni Hanz?"

"Hindi. Kasabay ko daddy ko. Pero nakasabay namin sa Gas station si Hanz kaya sumabay na ko since papasok si dad sa office." Masayang sabi niya. Na sa sobrang saya ay gusto kong batuhin ang makikintab na ngipin para mabungi na at di na makangiti o makatawa.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon