CHAPTER 2

51 13 0
                                    


Sa lahat ba ng pagkakataon dapat pairalin yung "Hindi break-up ang solusyon"?

Siguro nga. Kasi kung sinunod ko yan, baka naging iba pa ang ending ng lovelife nating lahat.

Ang selfish ko diba? Pero pano ba? pano ba talaga ang maging masaya para sa iba?

LEISZA'S POV

May mga oras talaga na wala tayong ibang ginagawa kundi tumulala sa isang tabi. Katulad ngayon, nandito ako sa loob ng kwarto ko, weekends pero parang di ko ma-enjoy? Wala namang mga assignments o projects na binigay mga teacher, sadyang hindi ko lang dama.

Bumangon ako saglit at kinuha ang cellphone ko. Sanay na naman ako, pero nung wala akong mabasa na text mula kay Ross, mas lalo kong gustong tumulala nalang. Maraming nagtext pero wala akong binasa kahit isa.

Bumuntong-hininga ako bago humiga ulit at tumitig sa kisame. Maya-maya ay naramdaman kong bumukas ang pinto.

"Lei busy ka?" bungad ng ate ko.

"Ano ba yan! Di ba uso ang katok sayo?" inis na tanong ko, pero sa halip na sumagot ay tuloy-tuloy syang pumasok at dumiretso sa CABINET ko!

"Oy ate Les! anong gagawin mo dyan?" Gulat na tanong ko lalo na nung nakita kong kumuha sya ng damit dun.

Baliw ba tong ate ko? pwede naman sya manghiram nang maayos eh!

"Oh magbihis ka! Sasamahan mo ko! dalian mo na Leisza!" Sabi niya habang inaabot sakin yung dress na kinuha nya sa closet ko.

"HA?! Pano ka nakasisigurong sasama ako? baliw ka! Alis na nagpapahinga ako!" Inis na sigaw ko habang tinutulak sya palabas.

"Ah basta sasamahan mo ko ngayon!" Pagpupumilit nya pa.

"Magtigil ka ate Lesley! ano bang trip mo?! wag mo kong guluhin."

"LEISZAAAA! SIGE NA NAMAN OH! KAILANGAN KONG MAGPUNTA SA NBS NAGKULANG MATERIALS KO PARA SA PROJECT KO! SIGE NA NAMAN SIIIIIS !" Parang batang pagmamakaawa pa nito.

"Ate ang ingay mo!" Saway ko sakanya.

"Sige na kasi Lei! Para di kana rin mag-emote dito dahil kay Ross!!!!" At dun ako natigilan. pakshet talaga tong ate ko!

"OO NA LUMABAS KANA MALILIGO NA KO!" pagsuko ko.

Tumawa naman sya nang pagkalakas-lakas, "LABYU SIS. DALIAN MO AH!" Sabi niya sabay labas ng kwarto.

BADTRIP TALAGA! Parang bata kainis!

Naligo nalang ako nang mabilis kahit na tamad na tamad akong kumilos. Wala naman akong magagawa eh.

Naghanap ako ng damit na masusuot. Syempre ayoko yung binigay ng ate ko na dress.

Naka'black shirt ako at short lang. HAHA tinernohan ko lang ng vans. After ilang minuto lumabas na ko at nagyaya nang umalis.

Since nasa bahay si daddy, siya na naghatid samin sa mall. Pagdating namin doon ay dumiretso na agad kami sa NBS.

Hinanap na ni ate lahat ng kailangan nya, ako naman naghanap ng mga books na pwede kong bilhin.

"Okay na ko Lei. nahanap ko na lahat ng kailangan ko. Ikaw? Bibilhin mo lahat yan?" Tanong ni ate habang tinuturo yung tatlong librong hawak ko.

"Hindi ah. ikaw magbabayad nito. Pinilit mo ko dito eh." Walang emosyong tugon ko.

"Sabi na nga ba eh. kapatid nga kita. TARA NA NGA!!" napipilitang sabi nya. Napatawa nalang ako.

After sa NBS ay kumain muna kami ni ate sa kung saan tapos dumiretso na kami sa arcade.

Kahit 'di planado ang paglalaro, pag nasa mall talaga kami, di pwedeng di kami maglalaro dito, at pakiramdam ko din naman ay kailangan ko talagang maglibang.

"LEI GALINGAN MO NAMAN! HINDI TAYO MAKAKAKUHA NG MARAMING TICKET OH!" Sigaw sakin ni ate. Nandito kami sa crazy loop ngayon. Eto talaga madalas kong nilalaro dito, lalo na pag kasama ko si kuya. Paramihan kami ng mashu'shoot na bola.

"LEISZA ANG BAGAL MO! BILIS KAPATID!" Sigaw ulit ni ate nung konting time nalang natitira, at di ko parin siya pinansin.

"WHHOOO GO LEI!!! GALINGAN MO! MALAPIT NA MATAPOS!" with matching talon pa yan ah! "AYAN NA TAPOS NAAAA!" Nanghihinayang na sigaw niya! Sa inis ko ay hinarap ko na sya. Pero natawa agad ako, pano nakanguso siya na parang bata!

"IKAW KAYA MAGLARO! NANUNUOD KA LANG NAMAN DYAN KUNG MAKAUTOS KA KALA MO MADALI!" Sigaw ko din sakanya. Lalo pa syang ngumuso.

"TSK!!!! NAKAKAINIS KA AH!" Sigaw niya ulit kaya natawa na ako nang malakas.

"TARA DUN TAYO SA NIGHT OF THE DEAD. PARA KAHIT PAPANO MAPAWISAN KA NAMAN!" Sabi ko sa kanya at hinila na sya.

Naglaro lang kami dun. Si ate sigaw lang nang sigaw! Huli naming nilaro yung guitar freak bago kami nagpasyang ipapalit yung tickets. Nakakuha kami ng dalawang ballpen. Kumain lang ulit kami bago nagpasyang umuwi. Nagtaxi lang kami dahil parehas busy si daddy at kuya.

Pag'uwi namin nakipagkwentuhan lang kami saglit kay mama tapos pumasok na ko sa kwarto ko.

Nakakapagod pero kahit papano masaya naman. Kinuha ko cellphone ko then binasa yung mga messages.

Ezra Santos
-HEY! May nakita akong friendship ring! bili tayo ah? 2:15pm

Hanz Bustamante
-Goodafternoon Lei :)
3:26pm

Jessica Pascua
-Uy Leisza. Sa tuesday na yung reporting natin ah? :)
6:19pm

Nireplyan ko lang yung mga importanteng text at nagshower na ko.

After ko magshower umupo muna ko sa kama then binuksan ko yung laptop ko at nagbukas ng facebook account ko. Nagcheck ng notiffications at messages. Bago ako maglog-out ay tumingin muna ako sa online friends at nakita kong online si Ross.

Natigilan ako. Di ko alam kung ichachat ko ba o hindi. Naisip ko kasi baka naman ichachat na nya ko maya-maya. Kaya naman naghintay pa ko saglit pero..

WALANG ROSS NA NAGMESSAGGE SAKIN!!!!!

Okay. Tutal sanay naman ako eh. Sige ako nalang ulit ang magbababa ng pride. Ako na magchachat.

Me: Hi .. ?

medyo matagal bago siya sumagot. At naiinis ako sa ganun.

John Ross: Hi :)

Me: Kumusta?

John Ross: Okay naman. Ikaw?

Nagtanong ka pa. Syempre hindi. Medyo bwisit ka.

Me: Okay lang :)

John Ross: ah ganun ba.. Gudnyt Lei. Sweetdreams ;)

WOW. NAKAKABADTRIP AH!! DUDE GIRLFRIEND MO KO OH.

Magrereply na sana ako pero nakalog'out na sya. Hindi ko na kaya to.

Me: Hey let's break-up.

Yun lang at naglog-out na ko.

Eh bakit nga ba? Bakit nga ba nagpapakatanga ako sakanya? Siguro naman sapat na yung apat na buwan para masabi ko na kahit papano, pinaglaban ko kung anong meron kami diba? basta ang alam ko nagawa ko na yung part ko.

Humiga na ko. Niyakap ang stuffed toy na pinakamalapit sakin at saka ako umiyak, hanggang sa makatulog na...

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon