CHAPTER 33

23 9 0
                                    

EZRA’S POV

Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagtayo ni Leisza. I know her too well, hindi siya yung tipo ng tao na mahilig gumawa ng eksena, sa ginawa niya ngayon, alam kong punong-puno na siya.

Too bad, Hanz. Tsk tsk.

Naiwang nakatayo si Hanz at Azalea, hindi pa rin makabawi mula sa gulat.

Tumayo ako para habulin si Leisza pero pinigilan ako sa braso ni Ross, pagtingin ko sa kanya ay inilingan niya lang ako at pinabalik sa upuan.

“Ano? Bibili kayo di ba? Umalis na kayo dito.” Malditang sabi ni Cindy sa kanila.

“Cinds stop it.” Sabi sa kanya ni Ross bago bumaling kay Hanz “I’m warning you. Kung wala kang gagawin ngayon, hinding-hindi mo na siya malalapitan ulit, take my words.” Bakas sa tono ng pananalita ni Ross ang pagbabanta.

“A-ano bang-”

Hindi na natapos ni Azalea ang sasabihin niya dahil sa biglaang pagtakbo ni Hanz palabas ng canteen. Napangisi nalang ako sa mga pangyayari.

“Wala ka ba talagang idea?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Tinignan niya muna kami isa-isa bago sumagot.

“S-saan?”

“Tss. Manhid ka ba?” inis na tanong ko, naramdaman ko ang paghawak ni Danny sa braso ko.

“Ez Stop-”

“Shut up!” sabi ko sa kanya “Wala ka bang napapansin kay Hanz at Leisza?” tanong ko kay Azalea.

Natigilan naman siya at dahan-dahang umupo. Hinihintay ko na sawayin ako ni Ross pero nakakapagtakang pinanunuod niya lang kami.

“Ang ibig mo bang sabihin.. may something sa kanila-”

“Oo. Kaya layuan mo si Hanz.” Singit ni Cindy na halata ang pagpipigil na wag siyang sigawan.

“P-pero akala ko..” tumingin muna siya kay Ross bago ituloy ang sasabihin “Si Ross ang gusto ni Leisza?”

“Mag-ex sila, actually.” Si Cindy na ang sumagot. Halata ang gulat sa mukha ni Azalea.

“I-ibig sabihin, after ni Ross ay si Hanz naman-”

“Hindi ko gusto ang dating ng sasabihin mo. Subukan mong ituloy yan, lilipad sayo tong pinggan.” Seryosong sabi ko kaya agad napatikom ang bibig ni Azalea, ramdam ko naman ang pagsiko ni Danny sakin pero hindi ko na siya pinansin pa.

“P-pero hindi ko naman alam-”

“Ngayong alam mo na, dumistansya ka na.” seryoso na ring sabi ni Cindy.

“Hindi pa naman sila di ba?” tanong niya na ikina’init ng ulo ko.

“May pagkakataon ka pa para baguhin yang tanong mo.” Sabi ko sa kanya habang nakatitig lang sa mga mata niya, ang totoo ay pigil na pigil akong ibato sa kanya ang pinggan na nasa harap ko.

“Ezra, stop it.” Seryosong sabi ni Danny at inilayo ang pinggan sa harap ko, alam niya ata kung ano ang nasa isip ko.

“Ilayo nyo sakin yang babaeng yan.” Inis na sabi ko.

“Azalea, tara libot muna tayo sa mga booth?” yaya sa kanya ni Danny pero matagal bago siya nakapag’react

“W-wala naman akong intensyon na agawin si Hanz kay Leisza, hindi ko lang talaga alam kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa, akala ko lang kasi-”

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon