CHAPTER 29

32 10 0
                                    

LEISZA'S POV

Alam nyo ba na gustong-gusto ko ang mga bulaklak? I love them sooo much. But Azalea is an exemption. No, not the Azalea from Hanz' class ah? Pake ko sa kanya? Yung bulaklak yung tinutukoy ko. Promise yun talaga. I hate Azalea soooo much! Mas pipiliin ko pa yung roses kahit matinik pa ako.

It's been 2 weeks. Heto ako ngayon, nakikinig nanaman sa lecturer sa harap. Hindi ko nanaman siya maintindihan. Wala akong maintindihan sa kahit na anong nangyayari ngayon sa paligid ko.

Pasimple akong sumilip sa phone ko. Walang text. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Hanz. Bakit siya ganun? Okay naman kami pero bigla nalang siyang hindi nagparamdam sakin. Kung hindi pa ako magtetext sa kanya ay hindi rin siya magtetext. Dati naman mula 'Goodmorning-to-Goodnight' ay magkausap kami eh.

What's wrong?

Netong mga nakaraang linggo at panay ang dikit niya kay Azalea. Gusto niya ba ang babaeng yon? Bahala siya. I don't care.

"Leisza!"

Everytime na magkikita kami ay nag-iiwas siya ng tingin. Sa tuwing magsasabay kami sa cafeteria ay si Azalea ang katabi nya.

"Lei!"

Hindi ko alam, pero nakakasakit na siya. May nagawa ba akong ayaw niya? Alin naman kaya dun?

"Leisza Cristelle!"

Nahinto ang pag-iisip ko dahil sa tawag ni Ezra.

"Ano ba yun? Kanina ka pa tawag nang tawag baka magalit si ma'am!" Bulong ko sa kanya.

"Galit na! Ngayon lang!" Sabi niya at tumingin sa harapan. Parang gusto kong maglaho dahil sa hiya nang makitang lahat sila ay nakatingin sakin.

"Ms. Sanchez, kanina pa kita tinatawag. Pwede mo bang ishare sa klase kung anong nasa isip mo?" Kalmado ngunit matalim ang titig sakin ng teacher namin. Dahan-dahan akong tumayo, hiyang-hiya.

"S-sorry po ma'am. Masama po kasi ang pakiramdam ko." Nahihiyang pagpapalusot ko.

"Kung masama pala ang pakiramdam mo, sana ay hindi kana pumasok. Sige pumunta ka ng clinic." Bahagyang nawala ang inis niya.

"H-hindi na po ma'am. Okay lang po-"

"Ah ma'am? Ako na po maghahatid sa kanya." Singit ni Ezra habang nakataas ang kamay.

"Sige Ms. Santos. Tapos bumalik ka agad." Sabi nito na tumango pa. Dali-daling tumayo si Ezra at kinuha ang bag ko.

Inalalayan niya ako palabas, hindi na ko nakapagsalita pa. Nang makalayo kami sa room ay padabog niya akong binitawan at inihagis sakin ang bag ko. Buti nalang at nasalo ko.

"Ano ba?!" Inis na tanong ko.

"Anong ano ba?! Ano ba yang nasa isip mo?! Kanina ka pa tulala. May panguso-nguso ka pa kanina para kang tanga!" iritadong sabi niya. Napanguso ako sa kanya.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon