CHAPTER 8

44 14 0
                                    

LEISZA'S POV

Kung pwede ko lang sanang ibalik yung oras na nasa loob ako ng kotse kasama yung dalawa kong kapatid, gagawin ko talaga.

Sana pala nagtagal pa ko sa labas ng gate ng school. Sana pala nagpa-late ulit ako sa araw na to.

Dahil nung pumasok ako sa loob ng school, bumungad sakin ang isang tao na naging dahilan kung bakit nagtutubig ulit ang mga mata ko. Ang naging dahilan kung bakit hindi ko nasunod yung sinabi kong "Hindi ko na sya iiyakan."

Dahil nasa harap ko, ang ex-boyfriend ko.

Gusto kong umiyak habang pinagmamasdan syang nakasandal sa pader, nakayuko habang nasa mga bulsa ang dalawang kamay.

Gusto kong tumakbo at yumakap sakanya, pakiusapan sya na bawiin ang desisyon nya. Na baka naman kahit papano... mahal nya parin ako.

Gusto kong sabihin na naguguluhan lang siguro sya.

Sa mga oras na to, handa na ulit akong magpakatanga.

May nakapagsabi sakin dati na, hindi daw dapat basta-basta isuko ang pagmamahal para sa isang tao. Ipaglaban mo raw to hanggat kaya mo. Susuko ka lang kapag ang puso mo na mismo ang nagpatigil sayo.

Gusto kong paniwalaan yun. Maglalakad na sana ako papunta sakanya, handang magpakatanga.

Pero sa unang hakbang palang ay napahinto na ko, nilabas nya ang cellphone nya at nagtype sya dun. Nanlumo ako, sigurado akong may tinetext sya.

Pagtapos nyang magtext ay tinago nya sa bulsa nya ang phone nya at lumingon sa gawi ko. Nangunot ang noo nya nang makita nya kong nakatayo at nakatingin sakanya. Pero parang wala lang sakanya. Bumalik sya sa pagkakayuko at maya-maya pa kinuha ang phone nya at nilagay sa tenga nya.

Para akong tanga na nakatayo dito habang nakatingin sakanya.

"Hello? San ka na?" Narinig ko ang boses nya.

Sinong kausap nya?

"Hinihintay kita malapit sa entrance." Sabi niya sa kausap, walang emosyon ang mukha.

Hindi mo ko nagawang hintayin dito kahit isang beses lang.

"Ah ganun ba? Okay sige, ingat ka. See you." Mahinang sabi nito pero rinig ko. Pagtapos nun ay tinago nya ulit ang cellphone nya at tumalikod nang hindi ako nililingon.

Naiwan akong parang estatwa sa kinatatayuan ko habang tinatanaw ang likod nya.

Bakit? Bakit kailangang maging ganito kasakit?

Tumakbo ako papuntang cr ng girls, pumasok sa pinakadulong cubicle at doon ako umiyak nang umiyak.

Ilang minuto ang nakalipas biglang tumunog ang phone ko.

Ezra is calling...

Sinagot ko ang tawag ng bestfriend ko.

"H-hello?" Pigil ang hikbing sagot ko. Pero hindi yata ako nagtagumpay.

"HELLO LEI? NASAN KANA? UMIIYAK KA BA?!" Ramdam ko ang pagkataranta nya. Lalo akong naiiyak.

"N-nasa cr n-ng girls Ez." Umiiyak na sabi ko at binaba ko na ang phone.

Napapatakip ako sa bibig ko dahil ayokong may kumawalang hikbi mula sakin.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang nagmamadaling mga yabag ng paa.

"Lei nasaang cubicle ka?!" Natatarantang tanong nya.

Hinampas ko ng bahagya yung pinto para maipaalam na nandito ako. Ayokong magsalita dahil sobra na ang pag-iyak ko.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon