CHAPTER 18

35 13 0
                                    

EZRA'S POV

Tinatamad akong kumilos! Siguradong matagal nanaman akong maghihintay kay Leisza sa canteen eh!

Nakatitig lang ako sa kisame, hinihintay kong kausapin ako nito. Hahaha bwisit.

Maya-maya lang ay may kumatok na sa kwarto ko, alam kong oras na para kumilos.

"Ezra! Gising ka na ba?" boses ni kuya ang narinig ko.

"Hindi pa kuya." pabiro kong sagot.

"Osige pakigising na ang sarili mo! Bangungutin ka sana!" natatawang sagot nya, natawa na rin ako.

"Oo na! Tatayo na!" sabi ko habang nag-iinat. Narinig ko ang paglakad nya papalayo.

Ang cool talaga nun ni Kuya. Siya si kuya Ezekiel. Spoiled ako sa kanya kasi dalawa lang kaming magkapatid, pero kahit ganun, para ko lang syang tropa. Dalawang taon lang naman ang tanda nya sakin eh.

Bumangon na ko para ayusin ang kama ko. Nababagalan ako sa kilos ko, dahil talagang tinatamad ako ngayon.

Kahit pagligo ko ay mabagal, hindi ko alam pero talagang wala akong gana ngayon.

Pagtapos maligo ay nag-ayos na ako ng sarili tapos ay chineck ang phone ko, walang text ang bwisit. Walang gana akong lumabas ng room ko.

Nasa mesa na ang pamilya ko at hinihintay ako para makapag-almusal na. Humalik ako sa pisnge ng daddy ko bilang pagbati bago ako tumabi kay kuya.

"Bakit ganyan nanaman itsura mo?" tanong ni kuya habang pinagmamasdan akong kumuha ng kakainin ko.

"Hindi ko alam kuya, inborn na pagiging maganda ko eh!" walang gana kong sagot.

"Tumigil ka nga. Aga-aga sinisira mo nanaman mood ko eh." naiirita kunyaring sagot nya.

"Bakit? Redundant ba? Obvious na, sinasabi ko pa? Sorry na kapatid! Everytime na haharap ako sa salamin napapatanong din ako kung bakit ang pretty ko eh." bumuntong hininga pa ko na parang problemadong problemado talaga. Hindi ako pinansin ni kuya at bumaling kay daddy.

"Dad sa hangin nyo ba pinaglihi tong anak nyo?" natatawa nyang tanong kay daddy na sinagot lang sya ng tawa.

"bakit ba hindi mo matanggap? Mas maganda pa ko sa nililigawan mo eh!" pagmamaktol ko pa.

"Ezra tumigil ka nga. Pati si ate Janeth mo dinadamay mo." sabi nya habang kumakain.

"Pwede ba, di ka pa sinasagot, di ko pa ate yun. At mahal mo ba sya kuya? O dahil broken ka pa rin kay ate Lesley?" pang-aasar ko kay sa kaniya. Yes, si Ate Lesley na tinutukoy ko at ang ate ni Leisza ay iisa. Haha balak sanang ligawan ni kuya si ate Les kaso ang bagal nya at isa pa, friends lang daw sila.

"Ano ba! May boyfriend na yung tao." gusto kong matawa, para syang batang inagawan ng candy.

"kaya gusto mo na ring maggirlfriend?" natatawa kong tanong.

"tss. Dalian mo na dyan." Umiiwas na sagot nya. Sabi na nga ba eh, tama ako. Di nya gusto yung Janeth na yun.

Nagpatuloy na kami sa pagkain na mabilis namang natapos. Nauna si kuyang umalis dahil may sarili naman syang sasakyan at bukod dun ay magkaiba ng way ang school namin. Si Daddy ang naghahatid sakin.

Habang nasa kotse ako ay nagsoundtrip nalang ako at naghintay ng text nya.

Di ko akalain na sa ganda kong to ay paghihintayin ako ng text? How dare him! Charot! Hahaha

Pagdating sa school ay dumiretso ako sa canteen. Syempre wala pa ang dakilang si Leisza, baka atakihin ako sa puso pag nakita ko yun dito nang ganito kaaga diba? Himala yun. Hahaha

So umupo muna ako sa pinakamalapit na table, tinuloy ko nalang ang pagsasoundtrip ko at pumikit para damhin ang kanta.

Maya-maya lang ay napadilat ako at sa hindi malaman na dahilan ay inilibot ko ang paningin ko, laking gulat ko nang bumungad sa paningin ko si Cindy at si Ross.

Eww. Aga-aga ah?

Aalisin ko na sana ang paningin ko sa kanilang dalawa pero nakita kong naluha si Cindy at niyakap si Ross.

Sus. Anong drama to?

Ikinagulat ko pa nang makita ko ang pagpatak ng luha ni Ross, bigla tuloy akong naawa sa kanila.

Aalis na sana ako sa canteen para bigyan sila ng privacy, maaga pa kasi masyado kaya tatlo palang kaming tao dito, sa kabilang pinto sila nakapwesto at mula doon ay di ako mapapansin agad dito.

Tatayo na sana ako kaso narinig ko ang pagsasalita ni Cindy na may kasama pang hikbi.

"Paano na Ross? Sigurado ba yan? Baka may iba pang paraan? Baka naman-"

"Wala na Cinds." kalmado ngunit malungkot na sabi ni Ross.

"Oh my God Ross. Bakit? Akala ko ba okay? Ginawa naman natin lahat di ba? Anong nangyari?" patuloy na umiiyak si Cindy. Naintriga naman ako.

Nagbebreak ba sila o ano?

"Ganun talaga eh. Siguro kailangan nating-"

*Riiiing.. Riiiing..*

Napatigil sya sa pagsasalita dahil may nag ring na phone. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang phone ko pala yun! Natataranta ako na ewan! Pakshet lang. Agad kong sinagot ang tawag habang nag-iiwas ng tingin sa dalawa na ngayon ay gulat na gulat sa presensya ko.

"ANO?!" Natataranta kong sagot.

"ARAY! Well, goodmorning din?" pakiramdam ko ay mas nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tinig sa kabilang linya.

"OMG ikaw pala Xander! Sorry ano lang, nataranta lang. Ano kasi, ano goodmorning pala! Pasensya kung nasigawan kita kasi ano.. nagugutom ako oo tapos wala pang pagkain dito tapos nagulat ako biglang nagring-"

"Hey Ez. Easy lang okay? Hahaha gusto ko lang humingi ng sorry kasi natulugan kita kagabi."

"Ano, ayos lang. Hahaha okay na ba-" lagi nyang pinuputol sasabihin ko pucha.

"Oo okay na. Sige ah? Bye!"

"Teka-" pigil ko pero naibaba na nya. "Okay bye." nanlulumong sabi ko kahit pinatay na nya ang tawag. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko nanaman si Ross at Cindy na nakatingin pa rin sakin. Nataranta ulit ako, agad kong nilagay ulit ang phone sa tenga ko.

"Ay hello Xander? Nandyan ka pa pala? Ano? gusto mo magkita tayo sa gate? Sure sige papunta na!" pagkukunyari ko na may kausap habang natatarantang tumatayo at inaayos ang gamit.

Okay na sana, naglalakad na ako palabas kaso may biglang pumigil sakin. Si Cindy. Infairness ang bilis nya ah?

Natigilan ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tumingin sya sa phone ko na nasa tenga ko pa rin hanggang ngayon.

"A-ano Xander, need mo ko ASAP? Okay!" sabi ko bago kunyaring binaba ang phone at humarap kay Cindy "Ano Cinds, pasensya na ah? Kailangan ko nang umalis eh." Sabi ko sabay talikod.

"Teka Ez!" pigil nya ulit sakin. Napabuntong hininga ako bago humarap sa kanya.

"Wala akong narinig!" Pangunguna ko.

"Ezra please-" pinutol ko na ang sasabihin nya.

"OO NA! Di ko ipagsasabi kahit kanino na break na kayo! Kahit kay Leisza di ko sasabihin!" agaran kong sabi.

"WHAT?! Anong break ang sinasabi mo?" nagtataka nyang tanong na ikinagulat ko.

Napaisip ako.

OMG! Don't tell me..

Kinilabutan ako sa naisip ko pero sinabi ko na rin agad ang makakapagpanatag ng loob nila. I'll keep their secret, ramdam ko ang hirap sa sitwasyon nila.

"OMG Cindy! Don't worry. Atin-atin lang to." pabulong kong sabi at inilapit ang bibig ko sa tenga nya. "di ko ipagkakalat na.. you're pregnant." bulong ko at nanlaki ang mga mata nya.

Sabi na eh!

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon