CHAPTER 22

46 12 0
                                    

HANZ' POV

"Cry." Bulong ko kay Leisza habang yakap-yakap siya nang mahigpit. And she cried. Hard.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung paano kong pagagaanin ang loob nya dahil pareho kami ng sakit na nararamdaman.

Si Ross na matalik kong kaibigan.. He's dying. Hindi ko rin alam kung paano kong tatanggapin yun pero kailangan kong magpakatatag sa harap ni Leisza, ayokong makita nya akong magbreakdown.

"Alam mo na, hindi ba?" Napatingin ako sa biglaang pagsasalita ni Leisza. Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako sa mga mata. "You knew it right?" Pagtatanong nya ulit.

Yes Lei.

"Oh please Hanz. Answer me! You knew it right?" Yes. "Alam mo simula pa lang?" Hindi Lei.

Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata nya, I can't talk. Baka pag nagsalita ako mawalan ako ng control sa emosyon ko. Hindi pwede, kailangan isa lang samin ni Lei ang magpakita ng kahinaan ngayon.

"DAMN IT HANZ! ANSWER ME!" Sigaw nya at tinulak ako. "BAKIT HINDI NYO SINABI SAKIN?!" Patuloy ang pag-iyak niya. Lumapit ako sa kanya at hinila siya para yakapin pero tinulak nya lang ako. "NO! Don't touch me!"

"Lei please, it's getting late. Kanina ka pa hinihintay ng parents mo-"

"WHY DIDN'T YOU TELL ME! OH MY GOD! HE'S DYING! ROSS IS DYING AND ALAM NYONG LAHAT YUN! EVERYONE KNOWS ABOUT THAT EXCEPT ME! WHAT THE HELL! EXCEPT ME HANZ!" Sabi nya habang umiiyak na nakatingin sakin. Lumapit ako ulit sa kanya at niyakap sya nang mahigpit. Nagpupumiglas pa sya pero mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

Hinayaan ko syang ilabas ang galit niya at hinintay kong kumalma sya. At hindi nagtagal ay panay na lang ang pag-iyak nya.

"I'm sorry Lei." Bulong ko sa kanya. "Sasabihin ko sayo lahat. But not now. Your parents are waiting inside. It's late. Let's talk about it tomorrow. I will tell you everything. I promise Lei." Patuloy lang siya sa pag-iyak kaya mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya. "Hush Leisza." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha nya bago hawakan ang mga pisngi nya.

"I'm sorry okay? Believe me, di ko gustong itago sayo." Sabi ko habang nakatitig lang sa mga mata nya.

"I-I'm sorry H-Hanz." Nauutal na sabi nya.

"No. That's okay. Ako ang dapat humingi ng tawad-"

"No. I'm selfish. Di ko inisip ang nararamdaman mo." Nagsisimula nanaman syang lumuha kaya ngumiti ako at pinunasan ang mga luha nya.

"Go inside Lei. We'll talk tomorrow." Sabi ko at hinalikan sya sa noo. Pumunta ako sa gate nila at binuksan ito bago siya marahang hilahin papasok. Dala siguro ng pagod ay mabilis siyang nagpapatangay nalang.

"Goodnight Leisza." Sabi ko bago isara ang gate, pero bago ko ito tuluyang maisara ay nagulat ako nang bigla ulit itong buksan ni Lei at mabilis akong yakapin.

"I'm sorry." sabi niya bago kumalas ng yakap sakin at tumakbo papasok ng bahay. Napabuntong hininga ako bago isarang muli ang gate nila at ilock iyon.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon