CHAPTER 26

32 10 0
                                    

EZRA'S POV

1 message receive:
Leiszalways Late

Mall tayo later Ez. Mga 2pm.

receive: 12:30pm

Kakaakyat ko lang sa kwarto nang mabasa ko ang text ni Lei. Di manlang nagtanong kung gusto ko bang sumama. Pero sige na nga, tatanungin ko rin siya kung ano nang lagay ni Ross.

Yeah, alam kong alam na niya. Binalitaan ako ni Cindy. Gulat kayo no? Mabait naman talaga yung bruhang yun eh. Baliw lang talaga minsan. Tss.

Xander is calling...

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Napatingin pa ko sa salamin bago ko sagutin.

Sheez. As if naman nakikita nya ko. Stupid Ezra.

"Hello?" Mahinhin kunyaring sagot ko.

"Hey Ez! Musta?" Masayang tanong niya.

"O-okay naman! Ikaw?" Nangingiti kong tanong.

Tumawag ba siya para kamustahin ako? Sign na ba to?

"Ayos lang din. May tatanong sana ako sayo."

Whaaaa. Sheez di ako ready!

"A-ano y-yun?" Nauutal kong tanong.

"Ahmm, kapag may nagyaya sayong mag-date, saan mo gusto?" Mahinahong tanong niya. Halos mapatalon ako sa kama ko.

"H-ha? Bakit mo naman b-biglang natanong yan?" Sabi ko na tumawa pa kunyari, pero ang totoo ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Yayayain nya ba ako?

"Niyaya ko kasi siyang magdate ngayon. Guess what? Pumayag siya Ez!" Masayang wika niya na nagpapawi ng ngiti ko. Parang literal na lumubog puso ko dun.

Assumera ka kasi Ezra.

"Ahh. Ano.. hindi ko alam eh. Pero siguro dalhin mo nalang siya sa.." iniisip ko kung anong sasabihin ko nang sumagi sa isip ko yung text ni Lei. "SA MALL! TAMA! DALHIN MO SIYA SA MALL!" Malakas na wika ko.

"Bakit sa mall?" Tanong niya pa.

Para mabaduyan siya sayo. Tapos iiwan ka niya. Tapos itetext mo ko. At dahil nasa mall ako, pupuntahan kita. Tapos gaganda mood mo. Tapos magtatanong ka nanaman kung saan mo siya dadalhin sa next date nyo. Kingina mo.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon