"Sigurado ka na bang gusto mo mag-aral diyan? Hindi ba masyadong malayo?" Tanong sa akin ng aking ina.
"Ma, alam niyo namang matagal ko nang gustong mag-aral diyan diba? At saka, kung nakaya niyo mag-aral diyan, syempre kakayanin ko din!" Paliwanag ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ng aking ina na mag-aral ako sa dating paaralan niya.
"Anak, hindi basta basta ang paaralan na iyan. Madaming magagandang paaralan naman dito sa atin diba? Hindi ba pwede na manatili ka na lang dito?" Saad ng aking tatay.
"Eh doon ang gusto ko! Wala namang masama kung doon ako mag-aaral dahil doon rin naman kayo nag-aral dati. Dahil sa paaralan na iyon, naging successful kayo ngayon at gusto ko maging tulad niyo."
"Ay siya, sige na. Sa susunod na sabado, sasamahan ka namin pumunta doon. Mabuti pa't asikasuhin mo na ang dapat mong asikasuhin." Wika ng aking Tatay at umalis sa aking silid.
Bata pa lang ako, nais ko ng makatuntong sa paaralan na iyon. Ang Starlight Academy. Sikat ang paaralan na iyon dahil kaunti lang ang pumapasa doon at lahat ng nagtatapos doon ay may siguradong unibersidad na tatanggap sa nga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay tiyak na kinikilala sa kanilang mga sariling larangan. Ang mga magulang ko ay isa sa mga mapalad na natanggap sa Starlight. Doon din nila nakilala ang isa't isa.
Ang ibang kamaganak din namin ay doon nakapagtapos. Marami sa kanila ang naniniwalang matatanggap din ako at makakapagtapos doon tulad nila. Pero ang magulang ko lang ang hindi sang-ayon doon sa hindi ko maintindihan na dahilan.
***
Makalipas ang ilang araw, ngayon na ang nakatakdang araw para pumunta kami sa Starlight Academy. Hindi ko matago ang kaba at excitement na nararamdaman ko.
"Hija, wag ka kabahan. Kung nagmana ka talaga sa mga magulang mo, tiyak na matatanggap ka doon." Nakangiting wika sa akin ni Auntie Sally.
"Sana nga Auntie. Gusto ko talaga matanggap doon para hindi ko mabigo ang iba nating kamaganak."
"Halika na anak. Sally ikaw muna magbantay dito sa bahay ah?" Sabi ni Papa.
"Oo, Kuya Chen. Mag-ingat kayo! Wag kang kabahan ah? Kaya mo yan!" Masiglang sabi ni Auntie.
Habang nasa byahe, napansin kong parating bumubuntong hinga si Mama.
"Mama, may problema ba? Bakit parang problemado ka?" Tanong ko.
"Sigurado ka na ba talaga dito Anak?"
"Oo naman! Bakit Ma, may problema ba?"
"Mahal, hayaan mo na ang bata. Baka nga mas ikabubuti niya ito." Singit ni Papa.
"Wala naman Anak. Nag-aaalala lang ako dahil mapapalayo ka sa amin at hindi ka namin mababantayan nang maigi." Sabi ni Mama.

BINABASA MO ANG
Starlight Academy
Viễn tưởngShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...