Maaga ako nagising dahil hindi ako kumportable sa higaan ko. Di kasi talaga ako makakatulog kung hindi ako nasa kama ko. 4am pa lang kaya naisip kong maligo na dahil mamaya ay madami ang gagamit ng banyo.
Pagkatapos ko maligo ay bumaba ako ng cabin namin dahil mahina ang signal sa loob. Tinext ko sina Rianne at Lime upang malaman kung gising na sila. Ngunit walang nag reply. Panigurado tulog pa iyon.
Nakaupo ako sa bato sa harap ng cabin namin noong biglang lumitaw sa tabi ko si Eiron.
"Hi, good morning." Inaantok niyang saad.
"Oh? Gising ka na?" Tanong ko.
"Nilalamok kasi ako sa loob eh. Ikaw? Maaga pa ah?"
"Di kasi ako makatulog ng maayos dahil sa kama." Sagot ko sa kanya at muling dumungaw sa phone ko upang tingnan kung nagreply na si Lime at Rianne. Naramdaman kong sumandal siya sa balikat ko.
"Chansing ka ah." Sabi ko sa kanya at bahagya siyang natawa.
Napukaw ng atensyon ko ang mga lalaking nagjojogging. Eto ata ang grupo ni Xion. Ang aga din nila nagising ah? Nakatingin sila saamin ni Eiron noong napadaan sila sa harap namin. Bahagya kong ginalaw ang aking balikat upang magising si Eiron.
"May tao." Sabi ko sa kanya at di man lang siya gumalaw.
"So?"
"Baka ano isipin nila."
"Hayaan mo sila. Malay mo magkatotoo din ang iniisip nila." Sagot niya. PDA talaga toh kahit kailan!
"Elle!" Rinig kong tawag sa akin ni Keanne noong pababa siya ngunit bahagya siyang napahinto noong nakita niyang nakasandal sa akin si Eiron.
"Oh?" Tanong ko.
"Wala, akala ko nawala ka na." Sabi niya at umakyat ulit ng hagdan.
"Psst." Bahagya kong tapik kay Eiron. "Pupunta na ako sa taas, maligo ka na."
Noong mag alas sais na, bumaba kaming lahat upang kumain ng umagahan. Mabilis lang ang pagkain namin dahil pagkatapos nito ay ang activity na mismo.
"Elleeeeee!" Narinig kong sigaw ni Rianne. Umagang umaga, ang ingay na agad nitong babaeng toh.
"Uy! Sino kagrupo mo?"
"Kay Xion ako napunta eh. Si Lime kay Aerin daw. Ang daya, magkasama kayo ni Keanne!"
"Ganun talaga." Mapangasar kong saad sa kanya.
"May chika ako sayo. Syempre diba dahil sa Ability ko, madami akong naririnig na kung ano ano. Tapos alam mo ba, naririnig ko pinaguusapan ng mga lalaki sa baba."

BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasyShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...