Chapter XVIII

11 1 0
                                    

"Alicia, psst. Nasagutan mo ba yung homework natin sa Trigo?" Tanong ko sa kanya. Di ko kasi nagawa kahapon eh. Nagtraining kasi kami kahapon hanggang gabi.


"Yeah but I'm not sure of my answers." Sagot niya habang kumakain. Jusko wala pang breaktime, kumakain na agad toh.


"Elle! Tulooooong! Wala akong homework, pakopya!" Malakas na sigaw ni Euan. Di ba uso dito yung normal na lakas ng boses?


"Wala din ako! Kay Xyan ka na lang kumopya." Sagot ko sa kanya. Napasabunot naman siya ng buhok, di siguro papakopyahin ni Xyan.


"Okay na yan! Pakopya. Para kunyari may sagot ako. Thank you." Sabi ko kay Alicia at inabot niya ang notebook sa akin. Kinopya ko na agad ang mga sagot niya bago dumating ang susunod na guro.


Di nagtagal ay dumating na si Ms. Dimatulac. Terror kasi siya eh, palibhasa walang lovelife. Tsk tsk.


"Pass your assignment." Strict na pagkakasabi nito. Pinasa namin ang aming notebook.


"Okay. Please answer it on the board. Number one, let's start with uh... Miss Villafuentes." Kinabahan ako noong narinig ko ang pangalan ko. Buti naman prepared ako dahil sinulat ko ang mga sagot sa aking palad. Galawang Zoelle ata yan.


Taas noong akong lumapit ako sa board at isinulat ang sagot. Huh, kala mo ah.


"With solutions, please." Mataray na saad nito sa akin.


Tumakbo ang aking kaluluwa sa narinig ko. Mabuti na lang at nakopya ko iyon kanina sa isang malii na papel kanina. Talino ko talaga!


Pasimple kong nilingon si Ms. Dimatulac. Naglilibot lang siya at tinatanong kung sino ang walang assignment. Buti na lang!


Nanlaki ang mata ko noong kinapa ko ang aking bulsa. Basa iyon at nabasa rin ang maliit na papel. Binuklat ko ang papel ngunit wala akong maintindihan dahil kumalat ang ink ng ballpen.


Naningkit ang mata ko noong napagtanto ko kung sino ang may kagagawan nito. Si Xion! Lumingon ako sa kanya at nahuli ko siyang nakangisi. Tinaas niya ang isang kilay at tumingin sa akin. Peste ka! Argh.


"Yes, Miss Villafuentes? The solution?" Tanong ni Ms. Dimatulac. Yumuko na lang ako dahil hindi ko alam ang sagot. Alam ko rin na papahiyain ako nito.


"Oh, I see. Ito ang napapala niyo kapag nangopya lang kayo. Tsk. Miss Villafuentes, out!" Sigaw niya sa akin at marahas na iniabot ang apat na makakapal na libro.


Naglakad ako palabas ng room ngunit nadulas pa ako. Pag minamalas ka nga naman!


"Bakit ba may tubig dito?!" Tanong ko. Lahat kami ay sabay sabay na lumingon kay Xion.


"Not me." Inosente niyang sagot at nagtaas pa ng kamay. Pag ako napuno sayo!


"Okay. Somebody please clean the floor. Miss Villafuentes, go out now." Sabi sa akin ni Ms. Dimatulac. Lumingon ako saglit kay Xion at nahuli ko siyang nakangisi. Aba, punyeta!

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon