Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. 7:53 AM
Malapit na mag 8AM, tulog pa din ang mga roommate ko. Siguro mauuna na lang ako umalis sa kanila dahil malelate na ako. Ang sagwa naman kung late ako sa first day diba?
Lumabas ako ng Dormitory at nagtungo sa Main Building para magtanong sa staffs.
"Miss, nasaan po ba yung--"
"Auditorium, Building C, 7th floor, East Wing." Sabi sa akin noong babae. Ang galing di ko pa nga natatapos yung itatanong ko eh.
Lumipat ako ng Building C at nag elevator papuntang 7th Floor. May mga pangalan naman ang bawat room kaya di na ako nahirapan hanapin ang Audi.
Pumasok ako sa Auditorium at nandoon na din ang iba pang new students. Saktong 8AM nagsimula ang orientation. Ang umakyat ng stage ay si Sir Samuel at nagsalita sa mic.
"Good morning everyone. I'm Samuel De Valle, the head owner and head administrator of Starlight Academy." Wika nito. Pormal ang boses niya at hindi gaya kahapon noong kausap niya ang magulang ko.
"First of all, I want to welcome you all. Welcome to Starlight Academy!" Nagpalakpakan naman kami.
"But, there's something you need to know. Each one of you have this special ability and that's the reason why you passed the exam. Please, wag kayo magwawala sa sasabihin ko." Tahimik kaming nakikinig lahat.
"Special ability is the ability that normal human doesn't have. So it means, hindi kayo normal na tao. Special ability in other word, supernatural powers. Kapangyarihan." What the hell?
"Ano toh, joke? Kalokohan!" Rinig kong sigaw ng lalaki.
"Yes, Mr?"
"Mr. Fontanillas."
"Can you come up here, please?" Sabi ni Sir Samuel at maangas na pumunta naman doon ang lalaki. Badass.
May nagplay na video sa screen malapit sa stage. May lumabas na Fire sa simula ng video. Isang lalaking naglalakad paalis ng examination room. Mukhang yung Fontanillas yun. May sumalubong sa kanya na isa pang lalaki. Halatang hindi siya pinansin ni Fontanillas ngunit natigilan siya noong makita niyang nag-apoy ang kamao ng lalaki. Ang galing naman ng pagkaedit nito?
Biglang may tumama na fire ball sa tagiliran ni Fontanillas kaya naman napasigaw sa sakit si Fontanillas.
"What the fuck dude?!"
Hindi siya pinansin noong lalaki at gumawa pa ng fire ball. Higit na mas malaki ito sa kanina.
"Ready?"
"Anong problema mo?!"
"Lumaban ka." Sabi noong lalaki at pinatama kay Fontanillas ang kanyang Fire Ball ngunit nawala bigla si Fontanillas at lumitaw sa likod noong lalaki bago siya mawalan ng malay.
May lumabas na salita sa baba ng video. Teleportation.
Nagulat lahat ng estudyante sa napanood. Pati ako nagulat din. Iba't ibang reaction ang maririnig sa buong gym.
"Special Ability." Wika ni Sir Samuel. "Kung hindi kayo naniniwala, ipapakita ko sa inyo mismo." Biglang may umakyat na babae sa stage at unti unti siyang nawala. Malipas ang ilang segundo ay lumitaw na ulit siya.
"Invisibility. Alam kong hindi kapani-paniwala ang inyong nakikita. But believe it or not, it's real. At kayo mismo ay may sariling Special Ability. Special Ability may be inherited or chosen by the gods and stars in our galaxy. Ang tungkulin ng school na ito ay maprotektahan kayo sa pag gamit ng inyong Special Ability. We will teach you lessons according to our curriculum but at the same time, we will train you to use your powers safely and effectively."
Di ako makapaniwala. Ibigsabihin, sina Mama at Papa may ganun din?
To Papa Pogi:
Pa! Anong superpowers? Anong special abilities? Papa anong pinakain niyo kay Sir Samuel?! Bakit nahawaan niyo ng pagkaloko loko niyo? Pa anong ibigsabihin nitoooooo????
"Please everyone, keep this as a secret. Our lives will be in danger if other people will know this. Tayo ang sinasabi nilang mangkukulam, mangbabarang, demonyo at iba pa. Maari nila tayong puksain at patayin. So to prevent that, let's just keep this secret. So for now, we will play your Special Ability Exams." Sabi ni Sir Samuel at bumaba ng stage.
From Papa Pogi:
Gulat ka noh? Anak, totoo ang sinabi ni Sir Samuel. May kapangyarihan talaga tayo. Ang SA ko ay Lightning at ang Mama mo naman ay Healing. Sorry Anak kung tinago namin sayo ito. Ayaw ka lang talaga namin madamay sa posibleng gulo. Ngayon alam mo na kung bakit namin sinasabi na mapanganib diyan. Ingatan mo ang sarili mo. Ano nga pala ang SA mo Anak?
Pinanood ko ang exam ng iba. May nakita akong Telekinesis, Time Control, Flight, Lightning at iba pa. Posible pa lang magkapareho ng SA ng iba dahil may Lightning dito kahit si Papa ay Lightning din. Ano kaya ang sa akin?
Number 65 na at alam ko ay malapit na ako. Di nagtagal, pinakita na ang akin. Illusions and Memory Altering.
"Miss, saan ba ang daan palabas ng building na ito?" Ay so yung dalawang babae ang nagexam sa akin. Langya yan! Ang daya bakit sa akin dalawang babae. Sabi ko na nga hindi yun panaginip eh!
Hinawakan ako ng babae at ngumisi. "Looking for your parents?" Bulong nito sa akin.
Nahagip ng high tech na CCTV ang biglang paglitaw ng mga magulang ko. Ang high tech nito, nakuha pati yung mga sakop na ng SA.
"Ma... Pa..."
"Any last words?" Sabi sa akin ng babae. Hindi ko na maalala ang kasunod nito.
Tumahimik ng ilang segundo ang babae at bigla siyang sumigaw. Nawala bigla ang mga magulang ko at makalipas ang ilang segundo, sumigaw naman ang isang babae at nawalan na ako ng malay. Huh ano nangyari? Undefined
So undefined ang SA ko. Ang saya naman noon. Unknown ang SA ko. Grabe naappreciate ko talaga. Baka naman wala akong SA, natype lang bigla pangalan ko dun.
To Papa Pogi:
Papa undefined daw yung akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/62821246-288-k684261.jpg)
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasyShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...