Chapter VIII

19 0 0
                                    

Pagkamulat ko ay puting kisame nanaman ang nakita ko. Alam ko na, nasa Clinic nanaman ako.

"Ayan na gising na si Madame." Rinig kong sabi ni Lime at nagtawanan naman sina Keanne.


"Anong oras na?" Tanong ko.


"6pm na po Madame. Limang oras ka nang nakahiga diyan." Sabi ni Keanne.


"Wag niyo nga akong tawaging Madame!" Sabi ko at tumawa lang sila.


"Paano ba naman kasi, limang oras ka nga nakaratay diyan! Samantalang ang iba ay 30 minutes lang, gising na agad sila. Sleeping pretty ka masyado ate." Sabi ni Lime.


Tiningnan ko ang katawan ko upang makita ang mga sugat ko, ngunit wala akong nakita. Kahit bakas ng peklat ay wala. Galing naman.


"Tara na nga. Gutom na ako." Sabi ko at lumabas na kami.


Kumain kami sa Square kasi masyadong nauumay na kami sa pagkain sa Cafeteria. Tsaka balak din namin mamili ng mga damit.


"Ano nga palang nangyari kanina?" Tanong ko habang sumusubo ng french fries.


"Hinimatay ka." Sagot ni Rianne.


"Mukhang alam ko naman iyon diba. Pero bago noon?" Tanong ko.


"Noong lumapit sayo si Eiron para saksakin ka, bigla kang naglaho at napunta sa likod ni Eiron. Tapos sinaksak mo ang balikat niya at nawalan ka na ng malay." Seryosong sagot sa akin ni Keanne.


"Kung ganoon, sino ang tinanghal na panalo?"


"Si Eiron. Kahit mas malalim ang dalawa niyang saksak, mas madami ka namang natamong sugat. Tsaka ikaw din ang nawalan ng malay." Sagot ni Rianne.


"Ay. Pero bakit ako napunta sa likod ni Eiron?" Tanong ko.


"Ang sabi nila ay nag teleport ka. Ngunit hindi yun maari dahil si Eiron lang ang posibleng magkaroon ng Teleportation ngayong panahon na ito dahil siya lang ang pwede piliin ng kanyang bituin sa kalangitan. Pinagaaralan din ng mga teachers ang nangyari sayo." Mahabang paliwanag ni Lime.


Speaking of Eiron, nakita ko siyang pumasok ng restaurant kasama ang mga kaibigan niya. Mukhang dito din sila kakain.


Nagtama ang mga paningin namin. Tumayo ako at lumapit sa kanya.


"Eiron, sorry nga pala sa laban kanina. Okay ka na ba ngayon?"


"Ayos na ako, wag ka masyadong mag-alala." Nakangising saad nito sa akin at kumindat. The fuck?


"Di ako nagaalala sayo, nakokonsensya lang ako sa ginawa ko kanina." Mataray kong sabi at naglakad palayo.


Halos lumabas ang puso ko noong lumitaw siya sa harap ko at lumapit pa siya sa akin. "Pakipot ka pa. Alam ko namang may gusto ka sa akin eh." Mahangin nitong saad sa akin.

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon