Dumaan ang ilang araw. Mas maayos na ngayon ang mga tira ko. Madalas na itong tumatama sa dummy at minsan pa nga'y bumabaon na ito ngunit hindi naman sa ulo o puso ng dummy. Sa tagiliran o balikat lang ito palagi.
Tinutulungan ako ni Lime at Rianne para matuto ako umiwas at umatake. Minsan ay kinakalaban nila ako at sabay akong tinitira. Nagtatamo kami ng sugat ngunit okay lang kasi natututo naman ako.
Nasabi ko na sa kanila ang tungkol doon sa lalaking inaway ako noong nakaraang linggo. Maski sila ay naiinis din. Ngunit ang sabi nila ay wag kong pansinin dahil madami daw talagang siraulo dito.
Dalawang araw na lang at duel round kaya puspusan ang aking ensayo ngayon. Tatlong oras na akong nandito. Napagisipan kong lumabas muna para bumili ng pagkain at para makapag pahinga na din. Dumiretso ako sa cafeteria ng Academy para bumili. Pagkatapos ko bumili ay dumiretso na ako ng training room. Doon na lang ako kakain dahil masyadong magulo sa cafeteria.
Pagkapasok ko ng training room, napansin kong basa ang mga dummy. May naglinis ata sa mga dummy pagkaalis ko kanina. Kumain na lang ako at niligpit ang pinagkaininan ko.
Nag ensayo na ako ulit nang biglang may umatake sa akin. Agad akong kumuha ng patalim at hinanap kung saan nang galing ang umatake sa akin. Nang makita ko siya, agad ko siyang inatake. Muntik na siyang matamaan pero nailagan niya ito agad.
"Improving." Wika nito. Siya ay ang lalaking nanginis sa akin noong isang araw. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil kaunting ilaw lang ang nakasindi sa ang training room at nakahood ulit ito.
"Ano nanaman kailangan mo?" Mataray kong sabi. Mukhang may manggugulo sa akin ah.
"Wala. Hindi ko kailangan ng kahit anong bagay sa isang kagaya mo." Saad nito at pinagbabato ako ng mga patalim. Mabilis ko itong inilagan at inatake rin siya.
Lumapit ito sa akin nang hindi ko namamalayan. Naramdaman ko siya likod ko. Ang isang kamay niya at nasa aking leeg at ang isang patalim sa aking tagiliran.
"Game over." Sabi niya ngunit siniko ko ang mukha niya kaya nakatakas ako mula sa kanya.
"Tantanan mo na nga ako. Pwede ba!" Sabi ko at inatake siya.
"Why don't you use your ability? Para hindi lang patalim ang kaya mong hawakan."
"Ano bang pake mo?"
"Wala. Pero naiinis ako pag nakikita ko ang pag mumukha mo eh."
"Edi wag mo tignan!"
"Eh may mata ako eh. Paano ba yan?"
"Ewan ko sayo! Ikaw gumawa ng paraan para sa sarili mo!" Galit kong saad at inatake siya. Nadaplisan siya sa pisngi at tila nagalit.
Tumakbo siya ng mabilis papunta sa akin kaya mabilis din akong humakbang patalikod. Huli na ng maramdaman ko ang pader sa aking likod. Sunod sunod niya akong inatake at natrap ako. Bakit ba ang dami niyang patalim?
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
خيال (فانتازيا)She's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...