Nandito kaming lahat sa gymnasium. Ang gym na ito ay mala-arena. Ang gitna ay ang magiging battle ground. Nakapalibot dito ay ang isang protective layer para sa aming manonood. Naka elevate ang mga upuan namin upang makita ng maayos ang laban.
Ngayon na ang araw ng duel round. Kasama namin ang ibang class para daw matuto kaming mga transferees sa iba. Ipinaliwanag ni Mr. Thebes kanina ang mangyayari ngayon. One on one daw ang laban at same class lang ang magiging kalaban. Random din pala ang pagtawag.
Ang magkalaban ngayon ay si Keanne at isang babaeng may Vector Manipulation na SA. Kaya niyang ibahin ang direksyon ng bagay at power na aattake sa kaniya. Mukhang dehado si Keanne dahil magaling ang depensa ng kalaban niya.
"Kailangan niya malaman yung kahinaan ng kalaban niya." Wika ni Rianne sa tabi ko.
"Mukhang mahirap eh." Saad ko.
"Kaya niya yan. Mabagal ang reflexes ng babae. Kung palipat lipat siya ng pwesto ay maaari niyang matamaan ang kalaban niya. At alam kong alam din naman ni Keanne yun." Sabi ni Lime.
Iyon nga ang ngyari. Mabilis ang mga galaw ni Keanne at sunod sunod niyang inatake ang kalaban. Mukhang nataranta ang babae at hindi niya napansin ang ibang patalim. Natamaan ang babae at si Keanne ang itinanghal na panalo.
Ang sunod na maglalaban ay galing sa Section A. Earth at Fire. Habang pinapanood ko sila, doon ko napagtanto na buwis buhay pala talaga dito.
"Grabe si Xyan, walang kai-kaibigan pag nasa laban. Lapnos na ang balat ni Kailel." Saad ni Lime.
Totoo iyon. Kadiri nga tignan ang balat niya eh. Gumawa ng dalawang malalaking boulder si Kailel ay inipit sa gitna si Xyan. Nagmerge ang dalawang boulders at natrap sa loob si Xyan.
"Bagong technique iyon ah?" Sabi ni Rianne.
Natahimik ang buong gym. Makalipas ang ilang segundo, may malakas na pagsabog ang nangyari. Nasira ni Xyan ang boulders at pati ang protective layer na pumoprotekta sa amin mula sa gitna kung saan sila naglalaban ay nagkaroon din ng crack.
"Batak." Sabi ko.
Mukhang nagalit si Xyan at naglabas ng Fire Fox. Mabilis ang galaw ng Fire Fox at hindi naiiwasan ni Kailel ang mga atake nito. Sinakmal ng Fire Fox si Kailel at sumigaw ito sa sakit. Lumapit sa kanya si Xyan at may lumabas na lubid na gawa sa apoy sa leeg ni Kailel. Pahigpit ng pahigpit ang lubid at bumabaon na ito sa leeg ni Kailel kaya hindi siya makahinga at matinding burns na rin ang natanggap niya. Bago pa tuluyang mamatay si Kailel, itinanghal ng panalo si Xyan. Dali dali niyang pinalaho ang Blue Fire Fox at lubid. Tinulungan niyang ihatid si Kailel sa clinic.
"Hindi pa ba patay si Kailel?" Tanong ko.
"Hindi pa 'yon." Wika ni Keanne sa tabi ko.
"Paano ang mga paso niya? Mukhang 2nd degree o 3rd degree burn na iyon ah?"
![](https://img.wattpad.com/cover/62821246-288-k684261.jpg)
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantastikShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...