Mabilis na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na lang at Exam na namin. Madami dami na akong namamaster na techniques sa Fire Ability. Kaya ko na gumawa ng sarili kong Flame Wolf. Madalas ay pinaglalaban namin sila ng Fire Fox pero syempre talo ang Flame Wolf.
Kadalasang routine ang ginawa namin ni Xyan. Hinatid niya ako sa tapat ng unit ko.
"Mawawala ako ng tatlong araw." Panimula niya. Sumandal sa dingding at nakatingin lang sa sahig. "May mission na pinapagawa ang Academy samin."
"Sino sino kasama mo? Saan kayo pupunta?" Tanong ko at tumabi sa kanya. Nagulat ako noong naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Ano nanaman bang ibigsabihin nito? Simpleng hawak niya lang sa kamay ko ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. Ano ba? Walang ibigsabihin ito, okay?!
"Sina Euan at Xion ang kasama ko mula sa Section A. Meron ding apat pa mula sa Section B at Section C."
"Ano bang gagawin niyo dun?" Tanong ko sa kanya. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago siya sumagot.
"Ipinagbabawal sa amin na magsabi ng detalye tungkol sa mission. Sorry."
"Ayos lang, naiintindihan ko. Anong oras ba alis niyo?"
"Mamayang madaling araw." Sagot niya at pumunta sa harap ko. Hawak hawak niya ang kamay ko habang ako ay nakasandal sa pader.
"Pumunta ka na sa dorm niyo, magpahinga ka muna." Nakangiting saad ko sa kanya at napangiti din siya.
"Sige, good night." Saad niya habang nakatingin sa aking mata. Bumaba ang tingin niya sa aking labi at unti-unting lumapit. Hahalikan ba niya ako? Shit na malagkit. Kaunting distansya na lang ang mukha niya sa akin at napansin kong bahagya siyang umiling. Hinila niya ako upang yakapin ng mahigpit.
"Wait for me, okay?" Bulong niya sa akin.
"O-oo. Ingat k-ka." Nauutal kong saad sa kanha. Bakit ba ako nauutal?! Kumalas siya sa yakap at ginulo ang buhok ko.
"Dapat pag balik ko, malakas na ang Flame Wolf mo ah?" Saad niya at napatango na lang ako.
Kinabukasan ay nasa isip ko pa rin ang nangyari. Hahalikan niya ba ako noon? Bakit hindi niya tinuloy? Ay mali, mali ang tanong ko. Bakit mo ba kasi iniisip yun?! Sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa inis ko.
"Hoy, okay ka lang?" Tapik sa akin ni Alicia.
"Ha? Ah, oo."
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"
"Madalas bang may pinapagawa na mission ang Academy sa mga estudyante?"
"Minsan lang. Bakit?" Tanong nito sa akin. Iginala niya ang mata sa buong classroom. "Ah! Namimiss mo na si Xyan noh?"
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasiShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...