"Hoy Euan! Inuubusan mo ng pagkain si Elle oh! Di ikaw ang nilibre ko." Masungit na sambit ni Xyan sa kumakaing si Euan.
"Paki ko sayo? Pinayagan naman ako ni Elle!" Napailing na lang si Xyan sa sinabi ni Euan.
"Patay gutom ka talaga!" Sabi sa kanya ni Xyan.
"Bestfriend oh! Inaaway nanaman ako ng apoy na yan!" Pagsusumbong sa akin ni Euan at nakatanggap naman siya ng batok kay Xyan. Jusmiyo gusto ko lang naman kumain ng maayos eh.
Bukas na ang Exam kaya nilibre ako ni Xyan. Regalo daw niya ito sa akin dahil naging mabait na estudyante daw ako tsaka goodluck na rin daw.
"Sorry, I'm late!" Sabi ni Alicia at tumabi sa akin.
"Saan ka nanaman galing ha? Matatapos na yung lunch time oh!" Sigaw sa kanya ni Euan.
"Nagbasa kasi ako tungkol sa mga halamang gamot sa library. Bakit ka ba sumisigaw?!"
"Eh gusto ko eh! Paki mo ba?!"
"Pag mamay-ari mo itong school? Hindi naman diba?!"
"Bakit ikaw, hindi din naman ah?!" Nagkatinginan kami ni Xyan. Dahan dahan kaming tumayo upang iwan ang dalawa.
"Kaya nga hindi ako sumisigaw katulad mo eh! May manners kasi ako!"
"Anong hindi sumisigaw?! Ano tawag mo diyan? Bumubulong ng sobrang lakas?!"
"Hindi, sumisigaw ng mahina! Bobo!"
"Ano?! Sinong bobo? Ako?!"
"Hindi, yung pagkain! Malamang ikaw, duhh! Isip nga!"
"At least ako may isip pa? Eh ikaw? Naging halaman na! Patubuin mo naman!"
"At least ang utak ko tumutubo at lumalago! Eh yang sayo? Hindi! Utak langgam ka kasi!"
Dahan dahan kaming umalis ng restaurant ni Xyan. Kahit sa labas rinig na rinig yung sigawan nila. Jusko goodluck na lang sa mga kumakain doon.
"Gutom ka pa ba? Hanap tayo ng ibang kainan?" Tanong sa akin ni Xyan at hinawakan ang aking kamay. Shit! Wag kang kiligin!
"Wag na, busog na ako."
Nagikot ikot kami ni Xyan sa Square. Nahagilap ng mata ko ang dalawang tao sa likod ng isang kainan. Hinila ko si Xyan at nagtago kami sa likod ng halaman.
"Bakit ba tayo nandito?" Tanong niya. Kakain tayo ng dahon, Xyan.
"Shh! Wag ka maingay. Panoorin natin sila!" Natahimik siya sa sinabi ko. Lumipat kami sa isang mas malapit na halaman para makita namin ang mukha nila.
Si Eiron at Keanne!
"Ano bang sasabihin mo sa akin? Pwede naman sa classroom." Masungit na saad ni Eiron habang nakasandal sa pader.
"Makinig ka. Isang beses ko lang ito sasabihin kaya makinig ka."
"Ano nga? Tsk. Malapit na magbell."
"Eiron, may gusto ka ba sa akin?" Diretsong tanong ni Keanne. Napahawak ako sa aking bibig. Oh my god!
"Anong klaseng tanong yan, Keanne? Nahihibang ka na ba?"
"Sagutin mo yung tanong ko! May gusto ka ba sa akin? Kasi ako oo. May gusto ako sayo." Diretsong sabi ulit ni Keanne. Shemay! Ang tapang niya!
"Pero si Elle--"
"Ano? Si Elle pa rin ba? My god Eiron, move on! Pinapabayaan mo ang sarili mo dahil lang nireject ka ni Elle! Bakit hindi mo ako napapansin? Nandito lang ako sa tabi mo pero si Elle pa rin?! Alam ko gusto mo si Elle, hindi ako bulag! Kaya nga ayaw ko sabihin sayo toh eh. Pero naisip ko, wala din mangyayari kung hindi ko sasabihin kaya mas mabuti kung sasabihin ko. Gusto kita, okay? Wag kang tanga."
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
काल्पनिकShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...