"Hoy, makinig nga muna kasi kayo." Sabi ko kina Rianne. Kinukwento ko kasi sa kanila ang nangyari kagabi. Yung niyaya ako magdinner ni Eiron. Hindi ko makwento ng maayos kasi sabat sila ng sabat.
"Basta, yun. Niyaya niya ako magdinner ngayon tapos pumayag naman ako."
"Omg. Bakit ka pumayag? May gusto ka sa kanya noh?" Mapangasar na tanong ni Lime.
"Aba, may dapat ba kaming malaman?" Sunod pa ni Rianne.
"Wala. Pumayag lang ako kasi trip ko. Pero wala akong gusto sa kanya." Sagot ko pero mukhang di naman sila naniwala.
Di nagtagal ay dumating rin si Eiron. Nagpaalam ako kina Lime at nakangiting aso sila. Shems baka maging aso talaga tong mga toh.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Saan mo ba gusto?" Tanong niya habang nakangiti sa akin.
"Kahit saan." Sagot ko.
"Edi kumain na lang muna tayo." Sabi niya at naglakad kami papunta sa Square.
Hindi masyadong malayo ang Square ngunit hindi rin siya masyadong malapit. Mga 15-20 minutes ang lakad papunta doon.
Noong makarating kami sa Square, diretso agad kami sa restaurant. Napapansin ko ang mga tingin sa amin. Baka umuwi akong lechon nito.
Nag-order kami ng pagkain at hinintay iyon.
"Bakit dito ka nag-aral?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa aking mata. Nakakailang naman ito.
"Kasi dito nag graduate sina Mama at Papa eh. Tsaka yung iba din naming kamaganak. So ayun, gusto ko na rin dito. Ikaw ba?"
"Ako, pinilit lang ako ni Mama. Actually, ayaw ko nga dito eh kasi masyadong malayo at di ako sanay na malayo sa mga kapatid ko. Tapos di din namin alam na ganito pala dito, puro special abilities. Kaya nga di ako naniwala sa sinabi noon ni Mr. Samuel eh."
"Ay weh? May kapatid ka pala?"
"Oo. Twins. Isang babae at isang lalaki. Papakilala ko sayo pag dumalaw sila dito." Sabi niya at ngumiti. Doon ko napagtanto na gwapo pala talaga si Eiron. Manly ang itsura niya. Ang mata niya ay kulay dark brown. Maganda ang mga mata niya at sakto lang ang kapal ng kilay niya. Matangos ang ilong niya at mapupula ang labi. Ang jawline niya ay nakadepina at halatang halata ang adam's apple niya. Matangkad siya at maganda ang katawan niya. Siya yung tipong may pagka bad boy ang itsura. Mukha siyang snob at cold. Ngunit pag nakilala mo siya, mabait naman talaga siya. Naiintindihan ko na kung bakit madaming nagkakagusto sa kaniya.
Di nagtagal ay dumating na ang mga order namin at kumain kami.
"Alam mo, noong napanood ko ang video mo at lumabas yung "Undefined", nakuha mo ang atensyon ko. Kasi ikaw lang ang nagkaroon ng ganun. Pero alam mo na ba kung anong SA mo?" Tanong niya.
"Hindi pa nga eh. Baka palayasin na ako dito." Pabiro kong saad.
Tapos na ang duel round kahapon. Ngayon, may inaanunsyo nanamang kababalaghan si Mr. Thebes.
"We will have your SA activity next month. It's your time to improve your Special Abilities. Halos 1 buwan ang ibinigay namin upang mapaghandaan niyo ito ng mabuti. Dating gawi lang ang mangyayari. Mahahati per class at magaagawan ulit kayo ng flags. Ang class na makakakuha ng dalawang o tatlong flags ang mananalo. This activity will also serve as your long test for this quarter and your real entrance exam. Ang hindi makakapasa dito ay mapapaalis ng school." Seryosong saad ni Mr. Thebes at lumingon sa akin. Oo na, ako na ang walang SA!
"After this activity, you'll be transferred to your final classes. Furthermore details and changes regarding this matter will be discussed next week." Sabi nito at umalis. Tanggalin ko buhok nito eh.
Nagsisimula ng magtraining ang iba. Samantalang ako ay nakanganga lamang.
"Lime, totoo ba ang sinabi ni Sir? Real Entrance Exam? So joke lang yung dati?"
"Totoo yun. May pinapaalis talaga dahil kadalasan yung iba, hindi nila mapalabas ng kusa ang kanilang SA. Yung tipong halos isang buwan na dito, hindi pa rin naiimprove ang SA. Pero sobrang bihira lang iyon nangyayari." Sagot ni Lime.
"Kaso lang yung sayo, di namin alam. Ngayon lang kasi nagkaroon ng ganyan, undefined SA." Dagdag ni Rianne.
Kaya simula noon ay araw araw kong sinusubukang mapalabas ang SA ko ngunit walang epekto.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya ako sa dorm at nagpaalam din kami sa isa't isa.
Mabilis lumipas ang mga araw. Pagkatapos noon, ay parati na kaming magkasama ni Eiron. Sumasabay siya parati sa amin nina Keanne. Ang iba nga ay chinichismis na kami na kahit hindi naman talaga.
Hindi naman ako manhid para hindi malaman na gusto ako ni Eiron. Pansin naman sa mga gestures niya at efforts. Pero hindi ko na lang iniisip yun, kaibigan lang ang itinuturing ko sa kanya.
Madami din nanggugulo sa akin dahil nga akala nila na may something kami ni Eiron. Madalas kong nakikita yung multong tinahi yung bibig dahil kay Chloretz. Pero di ko na lang pinapansin kahit naiihi na talaga ako sa takot.
Next week na agad ang Activity. At wala pa ring pagbabago. Handa na nga akong umalis, actually. Baka nga hindi talaga ako para dito.
"May kaunting pagbabago ang mangyayari sa inyong Activity. Hindi kayo mahahati per section. Mahahati kayo per group. Magkakaroon kayo ng apat na group. Ang mga leaders ay galing sa Section A, ang nga Elemental Users. Ang bawat group ay magkakaroon ng 10-15 students from the three sections. Napagdesisyunan namin ito dahil madaming nagrereklamo na ang Section A lang ang parating nananalo. You may practice now." Sabi ni Sir Thebes at umupo ako sa bench. Wala naman kasi akong SA eh. Bahala sila, magtatago lang ako sa puno dun.
"Villafuentes, pinapatawag ka sa Principal." Sabi sa akin ni Sir Thebes.

BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasíaShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...