Chapter V

21 0 0
                                    

"Ibato mo dali!" Sabi sa akin ni Rianne. Kanina pa kasi nila ako tinuturuan kung papano magbato ng kutsilyo ng tama. Minsan hindi tumatama pero madalas sumasablay.

"Anong mahirap sa pag babato ng kutsilyo? Oh god. Just aim for the head!" Sabi ni Lime. Naiirita na kasi sila sa akin eh.

"Doon na kasi kayo. Hindi ako makapagconcentrate kasi nanonood kayo eh!" Sabi ko.

"Fine. Basta wag ka magbabato sa kung sino sino." Sabi ni Rianne at umalis na sila para magensayo.

Nakakaintimidate kasi eh. Ang gagaling na nila humawak at bumato ng mga patalim. Sabagay, bata pa lang sila eh sinasanay na sila. Samantalang ako, hahawak lang ako ng kutsilyo kapag hihiwain ang hotdog bago iprito.

Lumipas ang isang oras at medyo umaayos na ang pagtapos ko ng patalim. Tumatama na ito sa dummy pero hindi tumutusok dahil sumasablay parati.

"Tapos na ang klase, Zoe. Halika na." Sabi sa akin ni Lime.

"Sige, mauna na kayo. Hindi ko tatantanan itong peste na ito hangga't di tumutusok." Sabi ko at itinapon ulit ang patalim.

"Mag-gagabi na! Bukas mo na lang ituloy yan. Dalawang oras tayo dito bukas." Saad ni Rianne.

"Hindi, mauna na kayo. Hindi na naman ako magtatagal dito eh." Sabi ko at tumango na lang sila.

Kanina pa ako naiinis dito eh. Kung ano anong patalim na ang sinubukan ko dahil inaakala kong sadyang mapurol lang ang mga nakukuha ko. Ngunit wala talaga eh.

"Argh! Umiinit na ang dugo ko sayo ah!" Sigaw ko doon sa dummy. Tinapon ko ang kutsilyo ngunit sablay pa din. Pesteng buhay.

Ilang beses pa ako umulit pero walang tumusok kahit isa. Imbis na ang matalim na parte ang tumama, ang hawakan ang tumatama.

"Sige na oh. Tumama ka na, please?" Sabi ko sa patalim. Napatingin ako sa orasan. 5:47PM. Napag desisyunan kong last na ito dahil gutom na din ako dahil wala pa akong meryenda.

Huminga ako ng malamim at nagconcentrate sa ulo ng dummy. Please kahit ngayon lang. Buong lakas kong itinapon ang patalim sa dummy. Dumaplis ito sa gilid ng balikat ng dummy. Nagawa ko.

"Yun! Dapat pala pinapakausapan ang mga patalim eh. Bukas dadasalan ko kayo isa isa!" Sabi ko sa sobrang tuwa. Makakauwi na ako!

Inayos ko ang mga nagkalat na patalim sa sahig at inilapag ito sa mesa ng patalim. Napatingin ako sa pinto dahil parang may anino akong nakita. Nagmadali akong lumabas para tignan kung sino ang tao. Ngunit hallway lang ang nakita ko. Wala naman ah? Gutom lang ito.

Umalis na ako ng building at dumiretso sa Square dahil nandoon sina Keanne. Kumain kami at umuwi din agad dahil napagpasyahan namin na magpahinga muna ngayon. Bukas na lang kami mamimili sa Square.

Kinabuksan, si Keanne ang nagluto ng umagahan namin. Medyo nagmadali pa nga kami dahil malapit na kaming malate.

History pa rin ang unang klase namin.

"So today, ikkwento ko na lang sa inyo ang iba pang nangyari sa Academy." Saad ng guro namin at iba ibang reaction ang binigay ng mga kaklase namin.

"Makalipas ang ilang dekada, may gulong nangyari sa Academy. Nagbalik si Xerxes. Nagbanta siya sa Academy kaya naman nagensayo ang mga mag-aaral. Ang mga Elemental at Sub-Elemental SA ang kanilang inaasahan dahil naniniwala silang ang mga Elemental at Sub-Elemental gods ang pinakamalakas sa buong daigdig at sila ang mga pinili. Katulad ng inaasahan, umatake si Xerxes kasama ang kampo niya. Maraming nasugatan ay namatay. Nagtulungan ang mga Elemental at Sub-Elemental users para matalo si Xerxes at nanalo sila. Ngunit walang katibayan na namatay si Xerxes. Naglaho lang ito bigla. Ang sabi naman nila ay maaaring namatay si Xerxes ayon sa mga dugo na nawala dahil sa kanya bago siya maglaho." Buwis buhay pala talaga dito.

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon