"Hoy paabot nga!" Inis na sabi ni Rianne. Paano ba naman kasi, pinagttripan siya ni Lime. Ayaw iabot ni Lime yung chips kahit kanina pa humihingi si Rianne.
"Kakalbuhin na kita mamaya, Lime!" Banta ni Rianne pero tumawa lang si Lime.
Nasa bus kami papunta sa site. Mananatili kami sa site ng 3 days at 2 nights lang.
"Gusto mo?" Alok sa akin ni Eiron ng chips.
"Ayoko, busog na ako." Sagot ko.
4 hours na kaming nasa byahe. Ang sabi ng mga kasama naming teachers ay malapit na daw kaya ihanda na daw yung mga gamit kasi baka may maiwan.
Di nagtagal ay nakarating kami sa site. Nasa isang kagubatan kami ngunit may mga nakatayong cottages na siguro ay tutulugan namin. Mamaya ko na lang ieexplore ang site kasi nahihilo pa ako sa byahe.
"Students, please gather here." Rinig kong sabi ni Principal sa isang megaphone.
Pumunta kami sa gitna ng kagubatan na walang puno kung saan ay naroroon si Principal.
"Bago kayo magpahinga, we will give you your first task." Wika nito at sa isang iglap, lahat kami ay nakablindfold na.
"We will scatter you to different parts of this camping site. Your leaders will be the one to search for you. Ang unang grupo na makukumpleto ay makakakain ng inihanda naming pagkain. Others, you need to find and cook your own food." Sabi niya. Ang sama naman nito, bakit ganun.
"We will start now." Pagkarinig ko nito ay may naramdaman akong humawak sa braso ko.
"Wait for your leader here." Narinig kong sabi ng isang babae. Teacher din ata namin ito pero hindi ko makilala ang boses.
"And wag ka masyadong gumalaw, baka maglaglag ka. Don't even try to stand up and walk, okay?" Sabi nito. Nabato ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko. Malaglag? Nasaan ba ako?
Kaluskos lang ng puno at agos ng tubig ang naririnig ko. Nasaan ba ako? Ilog? Dagat?
Di ko alam kung ilang oras akong nakaupo dito. Basta ang alam ko ay matagal na. Gabi na ata, nilalamok na ako oh.
"Zoelle? Zoelle Villafuentes?" May narinig akong boses.
"Naririnig mo ba ako?" Sabi nito.
"Sino ka? Nasaan ka?" Tanong ko.
"Kagrupo mo ako. Telepathy ang SA ko kaya nakakausap kita. Ikaw na lang ang hinahanap namin. Nasaan ka ba?"
"Hindi ko alam. Nakablindfold pa din ako."
"Uhmm, anong naririnig mo diyan?"
"Kaluskos ng puno tapos huni ng mga ibon."
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasiShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...