Chapter XX

11 0 0
                                    

Dinala ako ni Xyan sa Clinic. Cold at walang emosyon ang mukha niya. Tahimik lang siya ngunit alam kong galit siya.

Tumawag siya ng nurse para asikasuhin ako. Nakatitig lang siya sa akin at nakatayo sa gilid habang kinakausap ako ng nurse.

"Kailan pa ba yang mga sugat mo?" Tanong sa akin ng nurse.

"Kahapon lang po."

"Saan mo nakuha? Ginamitan ba ng Ability?"

"Uh... opo." Sagot ko. Tumayo ang nurse at may kinuha sa drawer.

"Wala si Nurse Lim kaya eto na lang muna. Healing candy ito para sa mga sugat na ginamitan ng kahit anong Ability. After 3-4 hours ay kusang maghihilom na yang mga sugat mo. Sa ngayon ay linisin muna natin yan." Paliwanag niya. Kinuha niya ang panglinis sa isang drawer.

Hinarangan ni Xyan ang nurse. "Ako na po." Saad niya at kinuha ang pang linis.

"Sige, maiwan ko muna kayo." Saad ng nurse at umalis.

Tahimik lang si Xyan noong umupo siya sa tabi ko. Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng betadine. Bahagya siyang lumapit para linisin ang sugat sa aking pisngi. Ang awkward ata namin sa isa't isa?

"Bakit mo pa tinakpan ng makeup? Baka maimpeksyon ka dahil diyan." Seryosong saad niya habang nililinisan ang sugat ko sa pisngi. Di ko na lang siya sinagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Sinunod niyang linisin ang mga hiwa sa aking palapulsuhan.

"Bakit di mo sinabi sa akin?"

"Kasi.. uh... ayaw kong palakihin yung issue." Nangangapa ako ng salita noong sinabi ko iyon. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at nataas ng kilay.

"Edi papabayaan mo lang sila? Ano pang ginawa nila sayo?"

"Hayaan mo na, tapos na iyon." Pagiiwas ko. Tapos na niyang linisin ang mga sugat ko sa palapulsuhan kaya sinunod niya ang sugat ko sa aking braso. Tinanggal ko ang suot kong blazer at tinanggal ang ilan sa pagkabutones sa taas ng aking uniform upang lumuwag ito at malinisan niya ang aking braso. Itinakip ko ang aking blazer sa aking dibdib.

"Zoelle. Ano pang ginawa nila sayo?" Seryosong tanong ni Xyan.

"Wala na masyado. Nilagyan lang nila ng mga dumi ang upuan ko at idinala iyon sa rooftop upang hindi ko magamit. Hindi na nila ako sinaktan." Saad ko. Napangiwi ako noong nilinis niyo ang sugat ko sa braso. Mahapdi pa rin iyon dahil malalim ang sugat ko doon. Umigting ang kanyang panga dahil sa aking reaksyon. Maingat na niyang nilinsan ito pagkatapos noon.

"Bakit mo itinago sa akin ito? Ang sabi mo ay pasa lang ito." Tanong niya at tumingin sa aking mata.

"Mawawala din naman kasi ang mga sugat ko." Sagot ko at nagiwas ng tingin. Hinanap niya ang mata ko. Hinawakan niya ang aking pisngi upang lumingon ako sa kanya.

"Lalo mo lang ako pinag-alala." Saad niya at suminghap. "Sorry kung nagalit ako kanina, nasaktan ba kita?" Mahinang tanong nito sa akin.

"Hindi, naiintindihan ko naman."

"Ayaw ko lang kasi na may tinatago ka sa akin. I want to know everything about you." Paliwanag niya.

"Sorry, hindi na mauulit. Pangako." Saad ko.

"I'm sorry, I was not there to protect you." Saad niya. Tinitigan niya ako sa mata. Para akong naestatwa dahil sa kanya. Parang bigla akong nawalan ng boses. Gusto kong sabihin na hindi niya kasalanan iyon. Pero hindi ako makapagsalita dahil sa tindi ng titig niya sa akin at sa lakas ng tibok ng puso ko.

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon