"Okay, break for 10 minutes." Anunsyo ni Sir Thebes. Nagtratraining kami ngayon para sa secret mission next week at siya ang trainer namin.
Agad na humiga ako sa sahig. Nakakapagod! Feeling ko nadrain lahat ng energy ko. Kanya kanyang higa rin ang iba. Yung iba naman ay kumuha ng tubig.
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Xyan. Umupo na rin ako dahil inalok niya ako ng tubig.
"Kaya pa?" Tanong niya at minasahe ang balikat ko.
"Ganito ba talaga pag kasama sa Top 10?" Mahinang reklamo ko.
"Oo, kaya next time wag mo nang galingan." Pabirong sagot ni Euan at ipinatong ang kanyang ulo sa hita ko. Agad naman siya ng binatukan ni Xyan.
"Chansing ka ah." Masungit na sabi ni Xyan.
"Tsk. Possessive masyado!" Sagot ni Euan.
Nagpatuloy kami magtraining hanggang sa inabot kami ng 8pm. Nag-ayos ako ng gamit.
"Xyan, sa labas na lang ako maghihintay ah." Sabi ko kay Xyan. Boys kasi ang inutusan na ayusin ang buong gym na sobrang kalat. Nagsilabasan na kaming hindi magaayos para mapadali ang trabaho ng boys.
Naglakad lakad ako ng kaunti at napadpad kung saan nakapaskil ang overall ranking. Pinagmasdan ko lang iyon. I never thought na makakapasok ako sa Top 10. I barely survived during my first weeks. Akala ko, mapapaalis na ako dito.
"Ah, so this is the ranking." May narinig akong nagsalita sa tabi ko.
"K-kanina ka pa diyan?" Nauutal kong tanong. Wtf?
"Nah." Sagot niya habang nakatitig lang doon. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.
"C-congrats nga pala. You did w-well."
"Really?" He chuckled. "I did well but I only got the 2nd rank?"
"Yeah. Hindi naman diyan nababase kung gaano ka kagaling." Sagot ko. How did I manage not to stutter? I don't know!
"No wonder." He paused, "Top 6? Not bad." Sabi niya at naglakad paalis.
"Wai---"
"Elle?" Tawag sa akin ni Xyan.
"Y-you're done?"
"Yeah. Sino kausap mo?"
"N-no one. I was talking to myself. Tara?" I don't know why but I felt a little guilt.
Days passed. I'm already getting ready for our secret mission. Mamayang madaling araw kaming aalis.
"Ilang araw kayo dun Elle?" Tanong ni Lime. Di ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol doon. Probably, pansin na rin nila. So it's not that "secret" anymore.
"2 days." Sagot ko.
"Mamimiss ka namin! Ingat ka, Elle!" Sabi ni Rianne at niyakap ako. Nako nagdrama nanaman tong mga toh!
"Guys, makakabalik ng buhay si Elle! Di naman siguro ganun kadelikado ang secret mission nila dahil mga estudyante pa lang sila. Starlight Academy can't lose any of its student. Lalo na pag nasa Top 10." Kalmadong sambit ni Keanne. Buti pa toh, chill lang.
Naligo ako matapos ang pagddrama ng dalawa. I'm kinda excited but nervous at the same time. It won't be that fatal right? I hope so. Nagbihis ako ng damit na binigay samin ng school. Di ako masyadong sanay suotin ito dahil medyo mabigat.
Tahimik akong lumabas ng kwarto ko. Si Keanne lang ang nasa sala. Siguro tulog na yung dalawa.
"Bakit gising ka pa?" Casual na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasiShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...
