Chapter XIV

19 0 0
                                    

Hindi makapaniwala ang mga kasamahan namin. Kahit si Keanne. Hindi ko rin kasi nabanggit iyon sa kanila.


"Pero ano... Teleportation pa lang ang nasusubukan ko." Nahihiyang saad ko sa kanila.


"That's good. Edi pag alam na nila na nasayo ang flag, magteleport ka na lang kung saan saan." Pabirong saad ni Euan.


Kinuha ni Xyan ang flag mula sa pagkakasabit sa isang pole. Lumapit siya sa akin at niroll ang flag. Dahan dahan niyang itinali ang flag sa aking bewang. Masyado siyang malapit sa akin kaya halos di ko alam kung saan ako titingin o kung anong gagawin ko.


"Mahigpit ba masyado?" Mahinang tanong niya sa akin habang inaayos ang pagkatali nito.


"Uhh... hindi. Ayos lang." Saad ko sa kanya. Bahagya kong itinaas ang suot kong hoodie upang mapaloob ang flag. Itatago ko na lang ito sa loob ng hoodie ko para hindi nila masyadong mahalata.


"Ingatan mo ang flag natin. Tawagin mo lang ang iba nating kasamahan kapag kailangan mo ng tulong. Ingatan mo din ang sarili mo." Sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Tumango na lang ako dahil sa tingin ko ay natuyo bigla ang aking lalamunan.


"Sampung minuto na lang at magsisimula na ang activity. Let's get moving offense team." Saad nito at umalis na sila.


Third Person's POV


Nagsimulang maglakad ang team ni Xyan. Malaki at malawak ang kagubatan kaya't mas mabuting magsama sama sila. Nakaalerto lang sila sa kung anong bagay ang posibleng mangyari.


"Sama-sama tayong susugod. Walang hihiwalay." Madiing salita ni Xyan.


"Xyan, may grupong malapit lang sa atin, kung hindi ako nagkakamali, ito ay ang Air team." Sabi ni Peter na may Enhanced Senses.


"Susundan ba natin kung nasaan sila? O hihintayin na lang natin na magkita kita tayo?" Tanong ni Alvin.


"Pupuntahan natin sila." Saad ni Xyan at si Peter ang nanguna sa kanila.


Nagtago sila sa likod ng mga halaman, hindi masyadong malayo kung nasaan ang Air team. Pinagmasdan nila ito at napansin na paulit ulit lang ang ginagawa ng kabilang grupo. Doon nila napagtanto na may mali.


"Isa itong patibong!" Sigaw ni Xyan sa mga kasamahan. Mabuti na lang at mabilis silang nakagalaw mula sa pinagtataguan nila bago may sumabog na bomba malapit sa kanila.


Sunod sunod ang pagsabog ng bomba. Tila bawat lupang inaapakan nila ay may nakatagong bomba kaya umakyat na lang sila sa mga puno.


"Illusions. Illusion lang nakita natin kanina, hindi sina Aerin ang pinagmamasdan natin, dahil tayo ang pinagmamasdan nila." Saad ni Xyan noong nakita niya si Charm kasama ang buong Air Team.


"Hi Xyan!" Nakangiting saad ni Aerin.


Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon