Pagkalabas ko ay nasa disyerto ako. Mainit ang sinag ng araw at nakakapaso ang init ng buhangin. Di kalayuan ay nakita ko ang isang dambuhalang agila. Iba ang agila na ito dahil wala siyang kulay. Transparent lang siya ngunit mapapansin mo ang mata niya at ang Silver Gemstone sa lalamunan niya.Inihanda ko ang Fire Bow and Arrow at pinatamaan siya. Humiyaw siya at biglang may umatake sa akin na madaming ibon.
Matutulis ang bibig ng mga Air Ravens na ito. Masyado silang madami at madami din ang sugat na natamo ko. Malakas ang bawat hawi ng pakpak nila kaya maski doon ay nasusugatan ako.
Hindi ako makagalaw dahil sa kanila ngunit pinilit kong tumakbo ng napakabilis. Mabilis din ang lipad nila kaya naabutan nila ako. Tumakbo ulit ako ng mabilis at inatake sila ng Fire Ball. Ang ibang natamaan ay naging Fire Raven samantalang ang iba ay sumadsad sa buhangin ngunit lumipad rin muli.
Napaso ako sa ilang Fire Bird dahil hindi ko kontrolado ang init nila. Itinutok ko ang Fire Bow and Arrow sa malaking agila. Umatake ito sa akin at naglabas ng hangin mula sa bibig. Nakailag ako dito ngunit ang ibang Air Ravens ay hindi at kusa silang nawala.
Nakakapagtaka naman iyon? Sinubukan ko ulit panain ang Agila at naglabas nanaman ito ng hangin mula sa bibig. Natamaan nanaman ang iba Air Ravens at naglaho.
Napagtanto kong may halong lason ang binubuga niyang hangin. Muli ko siyang pinana at nagbuga nanaman siya ng hanging may lason. Dahil kaunti na lang ang Air Ravens ay nadaplisan na din ako. Sobrang hapdi nito at napatingin ako sa daplis sa akin at tila ba'y nasunog ito.
Muli ko itong pinana at dali dali akong sumakay sa likod nito noong bumaba ito upang atakihin ako. Gumawa ako ng Fire Blade at hiniwa ko iyon sa lalamunan ng Agila.
Naging maliksi ang galaw ng Agila kaya nahirapan akong kunin ang Silver Gemstone sa lalamunan nito. Napaso ako ng lason noong pinilit kong kuhain ang Silver Gemstone. Napasigaw na lang ako sa sakit.
"Punyetaaaaaa!"
Illusions lang ito. Hindi totoong may sunog ako sa aking buong kamay. Huminga ako ng malalim at muling ipinasok ang aking kamay sa lalamunan ng Agila.
"Para sa grade!" Sigaw ko. Sobrang sakit ng kamay ko. Pakiramdam ko ay nasusunog at natutunaw na ito dahil sa lason. Parang nilulublob ang kamay ko sa muriatic acid. Pinasok ko pa ito sa loob upang maabot ang Silver Gemstone. Nang maabot ko ito, dali dali akong tumalon paalis ng likod ng Agila.
Nakita kong isang talon ang pababagsakan. Huminga ako ng malalim bago malaglag ng tuluyan. Malamig na tubig ang bumungad sa akin. Napansin kong nawala na ang mga sugat at sunog na natamo ko.
Lumangoy ako pababa upang masundaw ko ang liwanag na kulay asul. Pumasok ako sa butas na iyon at paglabas ko ay para bang nasa loob ako ng isang underground cave. Umahon ako at naglakad sa bato bato upang sundan ang ilaw na kulay asul.
"Pssst!"
Napalingon ako noong may sumitsit sa akin. Nanlaki ang mata ko noong may nakita akong sirenang nakangiti sa akin. Mahaba ang blonde niyang buhok at kulay asul ang kanyang mata. Manipis ang labi niya at matangos ang maliit niyang ilong.
Hinanda ko ang Fire Gun ko sa aking likod bago ako lumapit sa kanya.
"Bakit ka nandito?" Masayang tanong niya.
"Uh... napadpad lang ako dito." Alibi ko.
"Ganun ba? Nako! Matutuwa ang iba pag nalaman nilang may bisita kami! Ako nga pala si Mirana. Halika, ipapakilala kita sa kanila!" Wika niya at mabilis akong hinila sa ilalim ng tubig.
Di nagtagal ay umahon na din kami. Laking gulat ko noong nakakita ako ng mga sireno at sirena. Napakaganda at napakagwapo nila. Mga blonde sila at iba ibang shade ng blue ang kanilang mata.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasíaShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...