Pagkatapos ng orientation ay lumabas ako agad ng Auditorium para pumasok sa unang klase. Binigay na din kasi saamin kanina ang aming schedule.
"Uy! Roommate!" Sabi sa akin ng tatlong babae.
"Sorry ah, nasigawan kita kanina? Ganun lang talaga ako pag inaantok eh." Sabi nung isang babae na singkit. Ang cute niya tignan.
"Okay lang." Sabi ko at ngumiti.
"Ako nga pala si Rianne Jaramillo. Enhanced Hearing ang SA ko, kaya kong makarinig kahit gaano pa kalayo o gaano pa kahina." Nakangiting wika sa akin noong babaeng sumigaw sa akin kanina. Kaya pala naingayan sakin kanina eh.
"Keanne Jaramillo. Voice Alteration ang SA ko. I can imitate sounds and make destructive yells. Magkapatid kami ni Rianne pero mas matanda ako." Sabi noong isang babaeng mukhang bata pero mas matanda pa pala kay Rianne.
Ang cool naman ng SA nila.
"Hi! I'm Lime Alfonso! I have Darkness Optics, kaya kong makakita kahit sa dilim. Medyo walang kwenta talaga SA ko. So, anong pangalan mo?" Nahihiyang saad niya.
"Hindi ah, ang cool nga ng SA mo eh! I'm Zoelle Yngrid Villafuentes."
"Anong SA mo?" Tanong ni Keanne.
"Hindi ko alam eh."
"Huh? Ano bang sinabi kanina sa orientation?"
"Undefined."
"Weird. Pero okay lang yan, malalaman mo din ang SA mo. Tara na, baka malate ka pa. Ano nga palang section mo?"
"Section C. Ikaw?"
"Section C din kami pero si Keanne ay Section B." Sabi ni Lime at naglakad na kami papunta sa classroom.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo pala ang powers powers na yan." Wika ko sa kanila.
"Ganiyan din kami noong una. Pero wag ka magalala, masasanay ka din." Nakangiting sagot sa akin ni Rianne.
"Ano ba ibigsabihin ng mga Section natin? Tayo ba ang last?"
"Wala naman ranking sa Section dito. Ang Section C ay more on defense. Ibigsabihin hindi pwedeng pang offense ang SA natin. Tulad ng akin at kay Lime. Pero ang iba naman ay nasa Section C dahil hindi pa nila kayang gamitin ng maayos ang SA nila. Mga transferees ang nandito minsan. Ang Section B naman ay nasa gitna. Pwedeng gamitin ang SA nila for offense and defense. Katulad kay Keanne, kaya niyang gumawa ng destructive noises kaya offense yun. Pero kaya din niyang gumaya ng iba't ibang tunog gaya ng hayop kaya pwedeng defense din yun. Ang Section A naman ay more on offense. Mga Elemental SA ang karamihan doon." Mahabang paliwanag ni Rianne.
"Siguro nilagay ka muna sa Section C dahil undefined pa ang SA mo." Wika ni Lime at pumasok na kami sa classroom.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasyShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...
