Kumatok ako sa pintuan ng Principal. Kinakabahan ako pero di ko maintindihan kung bakit. Siguro mas mapapaaga yung pag-alis nila sa akin.
"Come in." Rinig kong sabi ni Sir Samuel. Kung normal na araw lang ito, kanina pa ako pumalakpak gaya ng ginagawa ni Sehun sa Overdose.
Pumasok ako sa office ni Sir at may nakita pa akong ibang tao. Umupo ako sa sofa at nagsimula nang magsalita si Sir Samuel. Akala ko ba Principal eh bakit nandito ang head admin na si Sir Samuel?
"Kamusta, Zoelle?" Tanong sa akin ni Sir Samuel.
"Maayos naman po, Mr. De Valle. Pero bakit niyo po ako pinatawag? Papaalisin niyo na po ba ako?" Tanong ko at napatawa ang iba. Ay ganun, tinawanan lang ako.
"No Miss Villafuentes," Wika ng isang lalaki na siguro 20-30 ang edad. "I'm Thorn Florendo, Principal of Starlight Academy, in case you don't know since you're a transferee." Sabi ni Principal at kinamayan ako. May principal pala dito.
"Good afternoon po. Ano pong meron? Bakit niyo po ako pinatawag?"
"This is about your SA. Alam mo na ba kung ano ang Special Ability mo?"
"Hindi pa po eh. Wala po ata akong SA." Sagot ko.
"Pwede mo bang ikwento ang nangyari noong araw na may nagclone kay Mr. Alcazar? Hindi pa namin naitatanong galing sayo." Sabi ni Sir Samuel.
"Pununta kami sa gubat tapos bigla siyang nagtransform sa isang Wolf. Tapos yun po, naghabulan kami. Tapos noong kakainin na sana ako, biglang may lumitaw na sa tingin ko po ay isang Light Wolf." Mahabang kwento ko.
"Ano ang nararamdaman mo noon?" Tanong sa akin ni Principal.
"Matinding takot po." Sagot ko naman.
"Well, pinapunta ka namin dito dahil sa tingin namin ikaw ang nasa propesiya."
"Propesiya?"
"Ang taong makakatalo kay Xerxes. Sa tingin ko naman ay naidiscuss na ito ni Mr. Alcazar sa inyo."
"Opo. Pero sa tingin ko po ay hindi ako iyon." Matapang kong sagot.
"If you can remember them, sila ang mga babaeng nakita mo noong kumuha ka ng entrance exam." Sabi ni Sir Samuel at itinuro ang dalawang babae. Tama sila nga iyong nagpaiyak sa akin.
"Charm, maari mo bang ikwento sa kanya ang nangyari?" Tanong ni Principal doon sa babaeng may dimples.
"Hi, ako si Charmaine. Illusions ang SA ko. Illusions require physical touch, as well as Ability Mimicry. Noong hinawakan kita, gumawa ako ng illusion ng parents mo. Alam kong ang pinakamalaki mong takot ay mamatay ang mga mahal mo sa buhay. Tinatakot lang talaga kita noon para malabas mo ang SA mo kaso iba ang nangyari. Nagiba bigla ang paningin ko. Parang nalaglag ako sa butas na walang hangganan. Puro itim lang ang nakikita ko noon. Malaki ang takot ko sa dilim at iyon ang nangyari sa akin. Noong nakita ko iyon, nawalan ako ng konsentrasyon at nawala ang illusion na ginawa ko." Mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasíaShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...