"Magpahinga ka na lang muna, wala ka namang iba pang sugat." Sabi sa akin ng nurse habang nakangiti. Dala pala namin halos lahat ng nurse mula sa Academy.
Nagpahinga nga ako tulad ng sinabi ng nurse. Ginising lang ako noong kakain na kami ng gabihan.
Sama-sama kaming kumain lahat. May benefit nga kaming natanggap kasi kami ang itinanghal na panalo kanina. Kaya ikakain ko na lang toh.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Oo, masaya na alam kong may ability na ako. Masaya na hindi na ako papaalisin ng Academy. Pero masaya bang malaman mo na ikaw ang tinutukoy ng propesiya? Masaya bang malaman na nasa pintuan ka lang ng kamatayan?
"Hey, are you alright?" Tanong sa akin ni Xyan na katabi ko. "Mukhang malalim iniisip mo ah?"
"Ah, di naman." Sabi ko sa kanya.
"Guys, magpasalamat tayo kay Zoelle. Kung hindi dahil sa kanya, baka inihaw na manok nanaman ang kinakain natin ngayon." Sabi ni Xyan sa mga kagrupo namin at nagpasalamat sila sa akin.
"Hala, wag kayo magpasalamat sakin. Mas marami kayong nagawa para manalo ang grupo. Lalo na syempre ang Assistant Leader at Leader natin." Sabi ko at nagpasalamat kami sa dalawa.
"Grabe, ang cool mo kanina! Noong natrap ka na sa loob ng Water Ball, akala namin patay ka na. Halos limang minuto ka kaya nasa loob noon!" Sabi sa akin ni Shaine. Ngiti lamang ang naging tugon ko. May pumupuri din sa akin kanina pero nginingitian ko lang sila. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong matuwa eh
"Oo nga! Alam mo ba lahat ginawa na namin para masira yung Ice Barrier na ginawa ni Shed. Nanggigigil na si Xyan doon kanina eh, kulang na lang nga ngatngatin niya yung ice eh." Biro ni Euan.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Casual na tanong sa akin ni Xyan.
"Oo. Ano ba nangyari sa inyo kanina? Bakit may lumabas na wolf habang nasa daan kayo?"
"Di nga namin alam eh. Pero nasabi ko na sa mga teachers ang nangyari. Iniimbestigahan na din nila."
"Anong klaseng wolf ba iyon? Wala ba nasugatan sa inyo?"
"Di siya pangkaraniwan. Tuwing namamatay siya ay nagiging usok lamang. Ang hinala namin, si Xerxes ang may kagagawan noon. Mga galos lang natamo namin."
Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ni Xyan. Paano nga kung galing iyon kay Xerxes? Tuwing maririnig ko ang pangalan ni Xerxes ay kinakabahan na agad ako. Kailangan ko ba talagang kalabanin siya?
Nagtipon tipon ulit kami sa gitna ng site para sa mga announcements. Napapansin ko ang panay na lingon sa akin ng mga estudyante. Parang isa akong kriminal kung makatingin sila sa akin. Tse!
"This is your last night here. I guess you should all enjoy it. So, we will have a party later!" Masayang saad ni Sir Rael at naghiyawan ang iba.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasyShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...