Chapter II

30 0 0
                                        

"Anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Mama.


"Kahit ano Ma." Wika ko.


"Hindi yan kakain ngayon, masyado siyang natuwa kasi nakapasa siya dito sa Academy." Sabi ni Papa at ngumising ng loko sa akin.


Naiwan ako sa table namin dahil ang magulang ko ang nag-order. Napaka-laki talaga ng Starlight Academy. Bukod sa cafeteria ng mismong Academy, meron pa silang ibang kainan sa labas ng building. Tila bang may sariling syudad sa loob ng Academy kung saan may pamilihan at kainan.


Ilang sandali pa ay bumalik na sila at kumain na kami. Dinner na ito dahil halos mag gagabi na din.


"Anak, ang sabi sa amin ni Sir Samuel ay pwede ka ng magsimula bukas dahil bukas naman talaga ang opening ng classes nila." Pagseseryoso ni Papa. Oo nga pala, last day kasi ng examinations kanina.


"Kung ganoon po ang ibigsabihin ay magsisimula na din ako mag dorm ngayon?" Tanong ko.


"Oo anak. Pero sa ngayon, magpapalipas muna kami ng gabi dito dahil masyadong malayo ang lugar natin dito at mapanganib na din dahil gabi na." Sabi ni Mama. Mabuti na lang at nakapag-impake na din ako ng mga damit ko. Si Auntie Sally kasi pinilit akong dalhin na ang mga damit ko kasi sigurado na daw siyang makakapasok ako dito.


"Kaya ba tayo iaccomodate ng Academy?" Tanong ko.


"Kahit buong bayan pa natin, kaya iaccomodate ng Academy." Nakangising biro ni Papa.


Tahimik lang kaming kumakain nang biglang nagdrama si Mama.


"Zoelle, mag-iingat ka dito ah? Wag ka pasaway dito. Araw araw mo kaming balitaan tungkol sayo." Sabi ni Mama habang nagdadrama. Humalakhak naman si Papa dahil sa sinabi ni Mama.


"Mahal, hindi naman kakatayin si Zoelle dito eh. Wag ka nga magdrama, bukas pa nga tayo aalis eh." Sabi ni Papa at pinatahan si Mama. Landi naman ng mga ito.


Pagkatapos namin kumain, dumiretso kami sa dormitory. Malawak at madaming palapag ang dormitory. Ang mga mamahaling muwebles at napakalaking chandelier ang makikita sa lobby. May isang grand staircase na nahahati sa dalawa ang gitna ng lobby. Siguro ito ay ang hati para sa girl's dormitory at boy's dormitory. Ang bawat sulok at parte ng dormitory ay sumisigaw ng karangyaan. Hindi ko mawari kung dormitory ba talaga ito o 5 star hotel.


Madami ding magulang ang magpapalipas ng gabi ngayon. Dumiretso kami sa isang kwarto sa girl's dormitory. Sabi noong staff sa amin na dito muna ang kwarto ng magulang ko.


Pumasok kami sa kwarto at halos lumuwa ang mata ko. May apat na kwarto sa loob ng isang unit! May sala at kitchen din doon. Ang bawat kwarto ay malawak din at may sariling CR sa loob. Ang isang unit ay halos katumbas na ng isang bahay.


Mabuti na lang at kami pa lang ang tao sa buong unit ngayon. Dadating din ba mamaya ang iba pang pamilya? Sila din kaya ang magiging roommate ko?

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon