Sumunod na linggo ay malaki na agad ang improvement ko. Kaya ko nang gumawa ng maliliit at malaking Fire Ball. Kaya ko na din gumawa ng Fire Spears kaso hindi pa ito ganoon katibay.
"Aalis lang muna ako. Bibili lang ako ng makakain natin." Saad ni Xyan.
"Sabay na ako sayo pre! Bye, Elle!" Sabi ni Euan at umalis silang dalawa.
Kaming tatlo lang ang nandito dahil kanina pa tapos ang klase namin. Pinayagan lang kami ni Mr. Florendo para magtraining. 10pm na at hindi pa kami nakakakain kaya si Xyan na ang nagpresenta bumili ng pagkain namin. Ang sabi pa nga ni Sir Thorn ay si Xyan na ang magiging training buddy ko.
Sinusubukan kong gumawa ng Fire Vortex na pwedeng maging shield ko. Hindi ko mapalibot ng tama ang apoy sa akin. Hindi ko rin matantsa ng tama kung gaano kalaki ang loob ng Fire Vortex para hindi ako masunog.
Nagconcentrate ako at sinubukan ulit ang technique. Unti unti kong naramdaman ang mainit na sensasyon galing sa apoy. Dahan dahan itong pumalibot sa akinn Noong napalibot ko na ng tuluyan ang apoy sa akin ay nawala din ito agad. Pagod na siguro ako kaya wala na akong energy.
Di nagtagal ay dumating din si Xyan bitbit ang mga pagkain namin.
"Got your faves, chicken and fries." Nakangiting saad sa akin ni Xyan. Naging close na kasi kami sa pagdaan ng mga araw at alam na niya ang gusto kong pagkain.
"Hindi ka ba nagsasawa diyan? Halos thrice a week ganyan ang kinakain mo ah." Saad niya habang kumakain kami.
"Nope. Hindi naman kasi ako madaling magsawa." Sagot ko.
"Really? I don't believe you though."
"Bakit naman?" Mataray kong sagot. Napahinto siya at nagisip bago sumagot.
"Time will come at magsasawa ka din diyan."
"Pero at least hindi agad agad. Ano bang paborito mong pagkain?" Tanong ko out of nowhere.
"I won't tell. It's for you to find out." Sabi niya at kumindat. Tumayo siya at naglahad ng kamay. "Let's go, gabi na."
Hinatid niya ako sa dorm tulad ng ginagawa niya araw araw. Pumasok ako ng unit at nadatnan ko doon sina Keanne, Lime at Rianne na kasama si Eiron. Oo, iniiwasan ko pa rin siya. Ganoon din naman ang ginagawa niya sa akin.
"Bakit late ka nanaman umuwi?" Tanong ni Rianne habang nakatingin sa TV. Napalingon sa akin si Eiron ngunit hindi ko siya tinitignan.
"Ngayon lang kasi natapos training namin eh." Sagot ko.
"Grabe ka, kanina ka pa kaya hinihintay ni Eiron!" Pang-asar ni Lime pero hindi ko na lang pinansin. Baka maging awkward lang kami. Hindi kasi nila alam yung nangyari sa amin ni Eiron.
"Gusto mo manood ng movie?" Tanong sa akin ni Keanne.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasyShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...