Chapter I

41 2 0
                                    

Puting kisame ang una kong nakita noong iminulat ko ang aking mata. Hindi ko alam kung nasaan ako at wala rin ako balak alamin dahil sobrang sakit ng ulo ko. Panaginip lang siguro iyon.


"Hija, gising ka na pala." Ngiti sa akin ng nurse.


"Nasaan po ako? Ano po ang nangyari? Nasaan po ang magulang ko? Alam niyo po ba kung nasaan sila?" Tanong ko.


"Hinay hinay lang ang tanong hija. Nandito ka sa Clinic ng Academy ngayon. Nanghina ka at biglang nahimatay pagkatapos mo kumuha ng exam. Ang magulang mo ay nasa labas lang at may kinakausap." Paliwanag sa akin ng nurse.


"Ganun po ba? Sige po, una na po ako. Salamat po!" Sabi ko at ngumiti.


"Hija, maghinay hinay ka lang. Alam kong nahihilo ka pa at nanghihina dahil ayaw nito tumalab sayo." Wika niya. Oo nga naman nahihilo pa talaga ko.


"Okay lang po ako." Sabi ko at bumaba na ng kama.


"O siya sige. Mag-ingat ka. Congratulations nga pala." Sabi nito sa akin at ngumiti.



"Ah eh, salamat po." Iyon na lang ang tanging nasabi ko. Congratulations saan? Sa pagkahilo?


Lumabas ako ng Clinic. Malayo pa lang, rinig ko na ang tawa ng aking tatay. Nakaupo sila kasama si Sir Samuel. Hay salamat naman, okay lang nga talaga sila.


Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Mama. Niyakap ako ni Mama at nilagay niya ang kanya kamay sa ulo ko. Nawala naman bigla ang pagkahilo ko. Yakap lang pala ni Mama ang katapat ng pagkahilo ko eh.


"Okay ka na Anak?" Tanong sa akin ni Papa.


"Oo Pa. Ang ingay mo talaga Pa, rinig sa Clinic." Sabi ko at tumawa nanaman si Papa. Jusmiyo.


"Kamusta ang exam?" Tanong sa akin ni Sir Samuel.


"Okay lang po Sir. Siguro po sadyang masakit sa ulo yung mga tanong sa exam kaya po ako nahilo." Saad ko at napangiti sila.


"Tulad ng sinabi ko kanina, sana kapag nakapasa ka, wag kang gagaya sa Papa mong napaka-ingay at ilang teachers ang napaiyak bago tatahimik. Gumaya ka na lang sa Mama mo na tahimik lang sa isang sulok."


"Alam mo ba anak, sa sobrang tahimik ng Mama mo sa isang sulok, mga insekto na ang kinakausap niya!" Sabi ni Papa at binatukan na lang siya ni Mama. May mga pinagusapan pa sila tungkol sa pagaaral nila dito dati.


Ilang papel daw sa guidance ang napuno ni Papa dahil sa dami ng records nito. Sinabi pa nga ni Sir Samuel na himala daw na pinatulan daw ni Mama si Papa. Mukhang ang saya saya sa paaralan na ito kaya lalo naman akong naexcite.


Matapos ang ilang sandali ay may lumapit sa aming staff. "Mr. De Valle, lumabas na po ang resulta ng exam." Sabi nito.


"Sige. Nakita mo ba sila?" Tanong ni Sir.


"Hindi po Mr. De Valle. Ang alam ko po ay umalis na agad sila matapos mag exam."


"Ganun ba? Sige salamat. Susunod na kami." Wika ni Sir Samuel. Kinabahan naman ako bigla. Pasado kaya ako?


Bumaba kami sa first floor at nakita namin madaming tao doon. Yung iba ay tila nabagsakan ng langit. Yung iba naman ay halos punitin ang naka-paskil sa sobrang tuwa. Yung iba parang walang pake at alam na ang kanilang hahantungan.


Nasa likod ko ang aking magulang at lumapit kami sa nakapaskil.


"Ay Anak lagot ka, hindi ka pasado."


"Nako Anak, mukhang wala talaga."


"Good bye Starlight ka na ata agad Anak."


"Tumigil ka nga diyan Chen, lalo mong pinapakaba ang anak natin eh."


Lalo ako kinabahan sa sinabi ni Papa. Bipolar talaga si Papa. Hindi ko na lang pinansin ang mga pang-aasar ni Papa. Hinanap ko nang maigi ang aking pangalan.



68. Villafuentes, Zoelle Yngrid S.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

New story ahe HAHAHAHAHA Kung sino makahula ng SA ni Zoelle, pwede kong ilagay dito sa story huehue Kunwari lang may magbabasa nito diba :)) Napagtripan ko lang talaga gumawa ng bagong story HAHAHAHA sorna po.

-Mr.OhByunKimPark 
(Authornim na madaldal)

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon