Lumabas ako ng examination room at nakitang nagaabang na doon sina Alicia at Euan.
"Oh? Anong meron?" Tanong ko.
"Wala... akala kasi namin hihimatayin ka nananaman." Sagot ni Alicia.
Wala akong naramdamang masakit sa katawan ko. Pero parang pagod na pagod ang utak ko at gutom na gutom ako.
"Tara, kain tayo." Sabi ko sa kanila ngunit may humawak na sa aking braso.
"Tara." Sambit ni Xyan at hinila ako palayo. Narinig ko naman ang protesta ni Alicia at Euan.
Inalis ko ang aking braso sa pagkakahawak niya at naunang maglakad. Di pa tayo bati!
Nanatili lamang siyang naglalakad sa aking likuran at hindi tumabi sa akin. Yan, tama yan! Distansya!
Sa cafeteria na lang kami kumain dahil tinatamad akong maglakad papunta sa Square.
Agad akong umupo at humalukipkip. Dumiretso naman si Xyan sa counter upang bumili ng pagkain namin. Bitch mode ako ngayon dahil sa lalaking yan. Duh! Arte arte pa kasi.
Di nagtagal ay dumating na siya. Nilapag niya sa akin ang sweet n spicy chicken with rice and also fries na paborito ko. Aba.
Kumain ako agad dahil gutom na gutom ako. Tahimik lang kaming kumain. Mas nauna siyang natapos at pinanood na lang niya akong kumain. Naconscious naman ako kumain kaya binilisan ko na lang din.
"Oh ano? Ano paguusapan natin?" Tanong ko at humilig sa likuran ng aking upuan.
"Anong oras ka nang nakauwi kagabi?"
"Past 12AM? Di ko na maalala. Bakit?"
"And you were with?"
"Eiron."
"May kasama kang lalaki, dis oras ng gabi?"
"Oo." Sagot ko at tumango tango pa. Mukha siyang nainis sa sinabi ko.
"What if something unexpected happened? What if may mangyaring hindi maganda?" Seryosong tanong niya.
"I'm with him. I'm safe because I'm with him. Ano bang problema mo?"
"That's it. You're with him. You're with a boy who likes you. What do you expect me to think?"
"Nothing! He's not that kind of boy!" Hindi ko na mapigilan magtaas ng boses.
"Oh please, Zoelle. Hindi mo alam ang pagiisip ng isang lalaki." He muttered factly.
"Hindi mo rin siya kilala kaya wag kang magisip ng kung ano ano sa kanya."
"That's not my point. My point is it's not right to be with a man past midnight. We don't have curfews and shits just for nothing." Huminga siya ng malalim. "Look Zoelle, I'm just trying to protect you. Not just with Eiron, but with everyone."
"Wow, says a man who's with a pretty girl past midnight." I said as I rolled my eyes.
"We have a valid reason, young lady."
"What? May kasama kang babae na halos mag bra at panty na lang kahit hating gabi na? What is that for? A mission or flirting?" Sarcastically asked.
"No, but because--- wait, are you jealous?" He asked and a grin grew in his face.
"Don't start with me, De Valle."
Seryoso kong sabi sa kanya. Duh! Kapal talaga ng mukha nito.Nakipagtitigan siya sa akin at unti unti ay napangisi nanaman siya. He looks so amused!
"What?" Mataray kong tanong.
"What?" Tanong niya pabalik at mas lalong ngumisi. "I'm not doing anything." Painosenteng sabi niya. Tiningnan ko na lang siya nang masama.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy
FantasiShe's Zoelle Yngrid Villafuentes, a girl who wants to prove something. Dahil sa magulang niya, nais niyang mapatunayan ang kakayahan niya. Nais niyang makilala bilang siya, at hindi bilang anak ng magulang niya. Starlight Academy is the key for her...