Chapter XVI

24 0 0
                                        

Nakabalik na kami sa school. Kahapon ay walang pasok dahil restday daw namin ayon sa mga teachers. Ngayon ay ang unang araw para lumipat sa final section. Maagang nagising si Keanne para magluto ng umagahan namin.


Sabay sabay kaming pumasok. Nakakapanibago nga dahil nauuna na akong pumapasok ng classroom dahil nasa unahan ang classroom ng Section A.


Noong una ay di pa ako sigurado kung papasok ba ako sa classroom. Pero sa huli ay syempre kailangan kong pumasok sa loob.


Tahimik lang ang Section A. Nakakapanibago dahil kaunti lang kami. Tinitigan lang ako ng iba habang papunta sa isang bakanteng upuan sa dulo at napailing pa ang iba.


May kanya kanyang buhay ang mga tao dito. Ako naman ay tahimik lang dito sa dulo. Nakita ako ni Euan noong pumasok siya ng classroom at kinawayan ako. Magkasabay namang pumasok ang magkapatid na De Valle.


Tuloy tuloy ang lakad ni Xion patungo sa akin.


"Tabi, upuan ko iyan." Malamig niya saad at agad naman akong tumayo. Malay ko bang sayo pala yun! Hindi ko alam kung saan ako uupo. Mabuti na lang at pumasok ang adviser namin na si Mr. Thorn Florendo na siyang Principal din ng Academy.


Pinapunta niya ako sa harap at sinabing iintroduce ko daw ang sarili ko.


"Hi, I'm Zoelle Yngrid Villafuentes from Section C." Sabi ko at tamad na nagpalakpakan ang iba maliban kay Euan at Xyan.


"I think you all know her and her abilities. I hope you'll help her cope up with you. Ms. Villafuentes please proceed to your seat next to Ms. Montemayor. Mr. Lu please help her with her seat." Saad ni Mr. Florendo at sa isang iglap ay may mga lumilipad na table and chair. Umupo ako doon. Nasa unahan ako at pinakadulo. Nako mahirap ito. Pag may recitation, ako ang unang tatawagin!


"Hi! I'm Alicia Montemayor." Nakangiting saad sa akin ng katabi kong may full bangs.


"Alam mo ba, ang cool mo! Dalawa ang ability mo tapos ang cool pa mismo ng ability mo! Tapos ang cool mo noong natalo mo si Xion!" Masayang sabi niya sa akin. Mukhang may matino din pala dito kahit papaano.


"Di naman, sinwerte lang talaga ako noon. Ano nga pala ang Special Ability mo?"


"General Healing."


"Parehas kayo ng nanay ko. Ganoon din ang Ability niya."


"O-M-G si Ms. Kristine Soliman na napangasawa ni Mr. Chen Villafuentes ba ang nanay mo?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako. Ang weird niya?


"OMG AKALA KO NAGKATAON LANG NA VILLAFUENTES KA PERO SILA PALA ANG MAGULANG MO!" Malakas na sabi ni Alicia. Paktay na this.


"Ms. Montemayor at Ms. Villafuentes, keep quiet." Saad ni Sir Thorn at nagsorry kami.


Di nagtagal ay nag breaktime na din kami. Lumabas ako para pumunta sa Section C ngunit nakasalubong ko si Eiron. Hindi ko siya pinansin at ganoon din ang ginawa niya. Mabuti na sigurong ganito.

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon