Chapter IX

16 0 0
                                    

Sinundan ko si Sir sa gubat. Di ko alam ah, pero parang natatakot ako. Kasi diba bakit naman ako papupuntahin sa gubat?

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nagulat ako noong nawala si Sir dahil nagtransform siya sa isang malaking wolf. What the hell?

"S-sir?" Natatakot kong tanong. Anong nangyari kay Sir? Si Sir Rael ba talaga ito? Si Sir Rael pa ba ito?

Umulong lang ang wolf at nakatingin sa akin. Malaki ang wolf. Itim ang balahibo nito at matutulis ang mga ngipin. Para bang gutom na gutom na siya at ako ang pagkain na nakahatag para sa kanya.

"Sir, a-anong nangyayari?" Tanong ko. Naiiyak na ako sa takot. Baka hindi si Sir Rael ito. Baka mamaya, alagad na pala ito ni Xerxes. O kung sinong masamang nilalang yan.

Tumakbo palapit sa akin ang wolf at tumakbo din ako palayo. Mabilis ang galaw ng wolf kaya naabutan agad ako nito. May nakita akong mahabang kahoy at kinuha iyon.

"Hoy maligno! Kung ikaw man si Sir o hindi, wag mo akong kainin! Kundi itutusok ko sayo ang kahoy na ito!" Matapang kong sigaw. Pumulot ako ng bato at itinapon iyon sa wolf. Mukhang nagalit ang wolf dahil umalulong ito ulit.

Tumakbo ang wolf papunta sa akin at kinagat ang binti ko kaya ako napaupo. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Tuloy tuloy ang daloy ng dugo sa aking binti. Pinalo ko ang ulo ng wolf sa abot ng aking makakaya at bumitiw naman ito.

Gumapang ako palayo ngunit sinundan din ako ng wolf. Hindi ko na magawang tumayo dahil sa sakit ng aking binti.

"Wag mo akong kainin, please. Madami pa akong gustong gawin. Gutom ka ba? Bibigyan kita ng lifetime supply ng karne!"

Mukhang walang pake ang wolf dahil umalulong lang ito. Naiiyak na ako sa takot. Sana may magligtas sa akin dito.

Dahan dahang lumapit sa akin ang wolf. Nakabuka ang bunganga nito na para bang handa na ako kainin. Umalulong ulit ang wolf at mabilis na tumakbo papunta sa akin. Handa na akong makagat ngunit walang wolf ang kumagat sa akin.

Iminulat ko ang aking mata at may nakita akong napakaputing wolf na umaatake sa wolf kanina. Hindi siya pangkaraniwang wolf. Hindi ko din alam kung saan ito nanggaling o sino ang gumawa nito. Ngunit kung sino man siya, lubos akong nagpapasalamat sa kanya.

Nakipagkagatan ang puting wolf. Nagbuga ng puting ilaw ang puting wolf at pinatama niya ito sa isa pang wolf. Tumalsik ang wolf palayo at nasugatan ito. Sa huli ay tumakbo palayo ang isang wolf at nawala din ang puting wolf. Iyon ang nakita ko bago ako nawalan ng malay.

***

Pagmulat ko pa lang ay alam ko na kung nasaan ako. Nasa clinic nanaman ako. Aba halos araw araw na akong tambay dito ah.

"Miss, anong oras na?" Tanong ko.

"Alas otso na ng gabi, hija. Mabuti pa't bumalik ka na sa dorm niyo."

Tumayo ako ng kama at lumabas ng Clinic. Anong nangyari kanina? Anong nangyari kay Sir Rael?

"Elle! Pupuntahan ka sana namin eh. Halika na, kain na tayo." Sabi sa akin ni Keanne.

Pumunta kami sa Cafeteria dahil nakakatamad pumunta sa Square.

"Anong nangyari kanina?" Tanong ko sa kanila.

"Di ba dapat kami ang nagtatanong niyan? Kahit kami ay naguguluhan." Seryosong sabi sa akin ni Lime.

"Ang alam ko lang, inexcuse ako ni Sir Rael. Tapos sinundan ko siya papuntang gubat. Nagtransform siya sa isang malaking wolf. Hinabol niya ako tapos kinagat niya binti ko. Tapos kakainin niya na dapat ako kaso may sumulpot na napakaputing wolf. Nakipagkagatan yung dalawang wolf tapos biglang may lumabas na ilaw sa bunganga nung puting wolf. Tapos yun, tumakbo palayo yung isang wolf."

"Puro wolf lang naintindihan ko." Sabi ni Keanne.

"Ang sabi kanina ng mga teachers, hindi daw si Sir Rael yun. May nagpanggap na Sir Rael lang para linlangin ka." Sabi ni Rianne.

"Bakit naman ako?"

"Di namin alam. Baka trip ka." Sabi ni Lime.

"Basta. Sigurado ako, posibleng buhay ang taong nasa propesiya." Seryosong wika ko.

"Anong propesiya?" Tanong nilang tatlo.

"Yung sinabi din sa atin ni Sir Rael. Yung papatay kay Xerxes. Yung may kapangyarihan ni Xenandro at Xero." Sagot ko.

"Paano mo nasabi?" Tanong nila.

"Kasi diba, kapangyarihan ni Xero ang lumikha ng mga nilalang gamit ang Light? Ang iniisip ko, yung wolf na nagligtas sa akin kanina ay isang Light Wolf. At isang Light Beam ang pinakawalan niya para matalo yung impakto na wolf." Mahabang paliwanag ko.

"Kung ganoon, edi totoo ngang hindi patay si Xerxes?" Tanong ni Lime at nag kabitbalikat na lang ako.

"Pero teorya ko lang iyon. Oo nga pala, paano ako napunta ng Clinic?"

"Omg. Si Eiron ang nagdala sayo sa Clinic!" Kinikilig na saad ni Lime. Si Eiron? Ang bait naman pala noon eh.

Speaking of Eiron, bigla siyang sumulpot sa tabi ko na parang isang kabute.

"Okay ka na ba? Masakit pa ba binti mo? Nahihilo ka ba? May masakit ba sayo? Saang parte? Ano bang nararamdaman mo?" Sunod sunod na tanong ni Eiron.

"Sumasakit ulo ko dahil sa mga tanong mo jusko. Okay na ako. Walang masakit sa akin."

"Bakit ka ba kasi pumunta doon? Wala ka bang nahalatang kakaiba kay Sir Rael noon?"

"Tingin mo ba susundan ko si Sir kung alam kong hindi siya yun?" Mataray kong sabi at inirapan siya.

"Ah sige Elle, mauna na kami. Hehehe." Awkward na saad sa akin ni Rianne at kinindatan pa ako ni Lime. Siraulo talaga tong mga toh, iiwanan pa ako kasama si Eiron.

"Kumain ka na?" Tanong ko. Halatang nagulat si Eiron sa tanong ko. Anong nakakagulat dun?

"Hindi pa." Nakangiti niyang sagot.

"Edi kumain ka. Sige, una na ako." Wika ko. Ayokong may makakita sa aming dalawa, baka kuyugin ako ng mga may gusto sa kanya dito.

"Hatid na kita sa dorm niyo." Sabi niya at tumayo.

"Wag na, kumain ka na lang diyan."

"Busog pa naman ako. Tara na," Sabi niya at hinila ako paalis. Ayan na, nararamdaman ko na yung mga kumukulong dugo dahil sa akin.

Naglakad kami papunta sa dorm, kaso lang napansin ko na sobrang bagal ng lakad niya.

"Mabagal ka talaga mag lakad?" Tanong ko at napangiti siya.

"Hindi, gusto ko lang maglakad ng matagal kasama ka." Sagot niya at tumingin sa mga mata ko. Agad naman ako umiwas.

Di nagtagal ay nakarating din kami sa unit ko.

"Sige na, umalis ka na. Baka may makakita sayo dito, isumbong ka pa." Sabi ko sa kanya.

"Eh kasi, Elle ano..."

"Ano yun?"

"Ano... uhmm.."

"Ano nga, pucha. Inaantok na ako hoy!"

"Pwede ba kita yayain magdinner bukas?" Tanong niya sa akin at nagkamot ng batok. Kinagat niya ang labi niya pagkatapos itanong iyon. Nahihiya ba siya? Aba iba ata toh, nahiya si Fontanillas.

"Okay, sige." Sagot ko.

Starlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon