Ryu's POV
"Ryu! what happened? are you okay?" tanong ni papa pagka-uwing pagka-uwi niya sa trabaho
"papa, okay lang naman ako. kita mo oh! buhay na buhay!" sabi ko habang tinataas pa ang dalawang kamay
"hay anak. ba't ba naman kasi di mo sinagot ang tawag ko atsaka ano ba nangyari?" nag-aalalang tanong neto at umupo sa tabi ko
walang pasok ngayon kaya dito lang ako sa bahay
"kasi po kumakain ako ng mga oras na yun at biglang kinuha ni Thea yung phone kaya hina---" patay kang bata ka! shocks!
Ryu! ba't ba ang daldal mo??!
"what?! nakipaghabulan ka?! alam mo naman na bawal sayo ang napapagod!" pagalit na sabi ni papa
"sorry na po eh kasi po eh... di naman po ako namatay kaya okay lang po. di na po ma-uulit! promise!" sabi ko while raising my right hand
napabuntong hininga siya, "fine. just don't do it again" sabi niya at tumango tango naman ako
"Ryu! may bisita ka!" sabi ni kuya
"sino po?" sabi ko at tumingin sa may pinto
"hey bestie!" pumasok naman sila Thea
my eyes got widened
"owemji!" patakbo akong lumapit sakanya but napatigil din nang sumigaw si papa
"Ryu! don't run! baka madulas ka!" sabi naman ni kuya kaya natawa ako
ang galing galing talaga netong magpalusot! he's the best
"what are you doing here?" tanong ko pagkahiwalay namin
lahat sila nandito even Kyle! shet! may himala!
"Ryu! masarap daw ang pagkain dito! makikikain kami! hahaha!" sabi Cian
"gagu! anong makikikain?!" sabi naman ni Zeke at binatukan si Cian
mga baliw talaga
"nga pala, ba't may bag kayo?" takang tanong ko kasi may kanya-kanyang bag sila
"overnight kami" sabi naman ni Xander
"really?! woah! this is the first time na may mago-overnight dito! hahaha" tuwang tuwang sabi ko
"so, let's go to my room"
~ * ~
"what to watch?" tanong ni Thea
nandito kami sa sala at napagdesisyunan naming magmovie marathon. nagpaluto din kami ng mga kakainin namin habang nanonood
"love story tayo dali!" suggest ni Cian
"kadiri ka Cian! lagay mo na lahat ng dvd wag lang love story!" sabi naman ni Xander
"horror na lang!" suggest naman ni Zeke
"sige yun na lang! Kyle, okay ka ba dun?" tanong ni Thea kaya lahat kami tumingin kay Kyle
"fine" sabi niya kaya sinet na namin lahat ng kailangan namin at pinatay namin ang buong ilaw sa bahay at sa kitchen lang natitirang bukas na ilaw dahil nandun yung mga maid
na-upo na ko sa tabi ni Cian but katabi ko rin pala si Kyle
naku, bawal ata ako magkulit sa pwesto ko! baka ma-imbyerna to sakin!
~ * ~
nang matapos kaming manood ay inayos na namin ang guest room. mas malaki kasi yung kwartong yun at kasya sila
yeah, kami na lang nag-ayos. kaya naman kasi namin atsaka marami kami
"Ryu, ba't may oxygen dito? diba dapat fire extinguisher ang nandito?" napatingin ako kay Cian
"bulag ka Cian? ayun yung fire extinguisher oh!" sabi ni Thea at tinuro yung fire extinguisher na nakadikit din sa dingding
"eh bakit may oxygen tank?" pangungulit ni Cian
"ehhh... kasiii... kailangan kumpleto kami. malay mo may bisita kami tapos biglang mahirapan siya sa paghinga" pagpapalusot ko
"aah" tatango tangong iniwan ni Cian sa tabi yung oxygen tank at nagpatuloy na ulit sa pag-aayos ng guest room
"ayan! we're done! Ryu dito ka rin matulog ha?" - Xander
"ha?" - ako
"dito ka rin matulog para magkwentuhan tayo. para mas marami ang alam natin sa isa't isa" sabi niya kaya pumayag na rin ako
napatigil kami sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto
"Ryu, come here" tawag sakin nung kuya ko kaya lumabas ako ng kwarto
"here, drink this" sabi niya at inabot sakin yung mga gamot ko at isang basong tubig
tinignan ko siya ng I'm-tired-of-drinking-that-look
"please, I thought you're afraid of leaving? so please, drink your medicines" sabi niya. I saw loneliness in his eyes
wala na kong nagawa at ininom isa-isa yung gamot
"good girl" my brother said and smiled weakly at me
"I'm sorry" sabi ko at niyakap siya
"it's okay, now go. mamaya magtaka yung mga kaibigan mo kung bakit ang tagal mo at mabuko ka pa. lilipat ka nanaman ng school" natatawang sabi ni kuya kaya sinunod ko na lang siya at pumasok na ulit sa kwarto
~ * ~
Zeke's POV
kasalukuyan ng natutulog ang mga kaibigan ko. ako na lang ata ang gising pa. paano ba naman kasi? ginugulo ako nung utak ko dun sa nakita at narinig ko kanina
oo, narinig at nakita. nandun kasi ako sa may pinto kanina. hindi naman talaga ako chismoso. sadyang na curious lang ako
pero masyadong misteryoso si Ryu parang may tinatago.
BINABASA MO ANG
1 Month With Him
JugendliteraturThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...