Day 22 (part 2)

29 2 0
                                    

Kyle's POV

"nasaan na kaya yung dalawa?"

6:30 na ng hapon at nandito kami at nagsiswimming. tumigil lang kami kanina para kumain tapos balik lang ulit dito

"baka naman nasa hotel na?" suggest naman ni Jiro

"kagagaling ko nga lang dun diba?" sabi naman ni Thea

kanina pa kasi wala si Zeke at Ryu. hindi rin kami sabay kumain

"hala ka talaga Kyle kaw kasi eh" sabi naman ni Cian kaya naman sinamaan ko siya ng tingin

matapos kasi niyang magselos kanina, hinatak niya si Zeke at nagjet ski sila. hahabulin ko sana kaya lang jet ski ko pala yung ginamit ni Zeke. tsk!

siguraduhin lang niyang wala siyang gagawin kay Ryu! ang alam ko kasi...

may gusto siya kay Ryu

~ * ~

Ryu's POV

"tara na nga kasi! baka mamaya hinahanap na nila tayo!" sabi ko kay Zeke

eh kasi naman tong lalaking 'to! kanina ko pa gusto bumalik dun kila Kyle. eh naman! oo na! namimiss ko na siya! eh naman eh!

"mamaya na nga kasi sabi!" sabi naman ni Zeke

"ay nako! bahala ka. basta ako, babalik na ko!" sabi ko at sumakay na sa jet ski tsaka pinaandar yun

actually, kinukuha na nila tong jet ski kaya sabi ko abangan na lang nga nila ako dun sa kanina naming pinaglulugaran

"ayun na si Ryu oh!" sigaw ni Klein at tumuro pa sakin

"gagita ka! saan kayo nanggaling?!" sigaw naman ni Thea

"oy, anong ginawa niyo?" malisyosong tanong ni Cian

napatingin ako kay Kyle na masama ang tingin saakin kaya napangiti naman ako

bumaba na ko ng jet ski pagkadating ni Zeke at kinuha na nga nila yun

"hoy! anong ngiti yan?" sabi naman ni Thea at sinundot pa yung tagiliran ko kaya naman natawa ako at bumulong sakanya

"wala naman kaming ginawa pero asarin natin si Kyle" bulong ko sakanya kaya naman naghagikhikan kami ng palihim

"gosh!" kunwaring gulat siya kahit wala lang naman yung sinabi ko

kinwento ko kasi yung uminom kami ng buko hahaha

"masarap?" nanlalaking mata ni Thea at sinundot ulit yung tagiliran ko kaya naman tumango ako

"hoy anong masarap yan?!!" malisyosong tanong ulit ni Jiro

"wala ka na dun!" sabi naman ni Thea

tinignan ko si Kyle at mukhang papatayin na niya si Zeke sa tingin niya

oo, nahuli ko siyang nakatingin ng masama kay Zeke bago tumingin ng masama sakin at inisnob na ko kaya naman natawa ako

"gaga ka talaga! pero may gusto ka kay Kyle noh?" sabi niya habang nakangiti

"hmmm... oo siguro" sabi ko. mapagkakatiwalaan naman tong si Thea eh

"sabi na nga ba! oh, dali! puntahan mo na si Kyle at nagseselos yun kanina pa! hahaha! kay Xander na ko!" sabi niya at lumapit na nga kay Xander napa-iling na lang ako at lumapit kay Kyle

ganun pa rin yung suot namin lahat. syempre di pa nagpapalit eh nagswiswimming pa kami

tumabi na nga ako kay Kyle at sinundot siya sa tagiliran. ghad! ang tigaass!! topless pa rin sila hanggang ngayon nakababa na nga lang yung buhok niya kasi ghaad!! wet look siya! ngayon ko lang napansin! ampogi! ghad!!

Ryu, magtigil!

"uy!" tawag ko kay Kyle pero di niya ko pinansin kaya napapout naman ako

"uy, di mo ba ko papansinin?" sabi ko at pilit na tinitignan siya. deretso lang yung tingin niya sa dagat

"hmp! babalik na nga lang ako kay Zeke!" sabi ko at tumayo na pero hindi pa ko nakakahakbang nang higitin niya ko sa braso kaya muntik na kong ma-out of balance

ewan ko dito kay Kyle. ang sweet namin para kaming magsyota ahihihi. kilig naman si ako hahaha

"uhoy! san mo ko dadalhin?" alburoto ko nang bigla niya kong hatakin sa kung saan

"HOY! SAN PUNTA NIYO?!" sigaw ni Thea

"kung saan! mauna na kami!" sabi naman ni Kyle kaya napanganga na lang ako

wadahel?! san ba ko balak dahil neto?! itaanan niya na ba ko?! pakshet lang bata pa ko hoy!!! gosh!!

hoy Ryu! tumigil ka! tadyakan kita ang OA mo!

ay deputa! may split personality ako! huhubels

god gabayan niyo ho ako sapagkat ako'y nababaliw pag kasama ko ang lalaking to..

ayiie! shet kinikilig ako! ahehe. HHWW! wadapak naman diba?! hahaha

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon