Day 16

28 2 0
                                    

Ryu's POV

"ghad! Ryu! ano nanaman bang nangyari sayo?" may halong gulat at inis ang boses ni Thea

pano nagpunta lang naman ako ng studio ng may shake ang mukha pati na ang damit ko at sobrang nilalamig na ko

"may umaway nanaman ba sayo?" seryosong tanong ni Zeke

tumango ako sa tanong niya bilang sagot

eh, pano ba naman kasi. yung mga babae kahapon tuluyan na nga ako inaway! nagselos kasi close daw kami ni Kyle eh kabago bago ko pa lang daw dito sa school

dumiretso ako sa may sofa at kinalkal ko yung bag ko

kasi ganto yun...

tapos na klase namin nun at sabay sabay kaming nagpunta sa studio tapos pagpunta namin sa studio, nilapag ko lang yung bag ko at nagpaalam na bibili lang ako ng milk tea sa canteen and then ayun. nakita ako nung mga babae tas tinapunan ako ng shake isa isa. hays

"sorry guys late ako. nagpun--- ano nanamang nangyari sayo?!"

napalingon ako kay Kyle nakakadating lang

"KASALANAN MO EH!!!" sabi ko at tumulo na yung luha ko

kasi naman hindi dapat talaga ako iiyak. sobrang napahiya lang naman kasi talaga ako kanina sa canteen at feeling ko na magkakasakit ako. ayoko kasi ng feeling na nabubully. sabagay, sino ba namang gusto mabully diba?

"k-kasalanan ko?" takang tanong niya

"OO! ANG POGI POGI MO KASI! ANG DAMING NAGKAKAGUSTO SAYO! PATI YUNG MGA BABAE KAHAPON KAYA AYUN! NAGALIT SILA SAKIN! BINUHUSAN AKO ISA ISA NG SHAKE!" sabi ko at pinunasan ang luha ko

lima pa naman sila tas may tig iisang malalaking baso na may lamang shake! lagkit na lagkit na ko!

"hay nako... Ryu wag ka nang umiyak. magpunta ka na sa shower room at ikaw Kyle samahan mo 'tong si Ryu tutal ikaw naman pala ang may kasalanan kung bakit na bully to" sabi ni Thea

kinuha ko na yung mga gamit ko at naglakad papunta sa may pinto pero bago lumabas, tinignan ko ng masama si Kyle

dere-deretso lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa shower room

"dyan ka lang!" sabi ko kay Kyle at tuluyan ng pumasok doon

binilisan ko lang maligo dahil nga may naghahantay sakin sa labas. pagtapos kong maligo, nagbihis na ko at inayos ang sarili tsaka lumabas

paglabas ko, nakita ko si Kyle kaya napatigil ako sa pagpapatuyo ng buhok ko

"tingin tingin mo?!" mataray na sabi ko at naglakad na ulit

"sungit. sorry na kasi!" sabi niya at hinabol ako

"sabi ko sayo magkakaroon na ko ng kaaway eh! ikaw kasi! tas sabi mo subukan lang nila, edi ayun! sinubukan nga!" sabi ko at binilisan yung paglalakad

"sorry na"

nagulat ako nang bigla na siya nasaharap ko at nagpapacute

"pffftt-- HAHAHAHAHA!"

"bakit mo ko pinagtatawanan?! nagsosorry na nga yung tao eh!" inis na sabi niya

"hahaha eh kasi naman! hahahahaha!"

"sige! tawa pa!"

"HAHAHAHAHA! nakakatawa ka kasi! hahahaha!"

"eh ano ngang nakakatawa dun?!" sabi niya

"wala! ang cute mo!" sabi ko at kinurot yung pisngi niya. "hahaha! tara na nga!" sabi ko at kinuha yung towel sa balikat ko at naglakad na

~ * ~

"guys! bukas na yung program and nga pala meron ding hi touch bukas" sabi ni Thea

emhegesh! may hi touch. marami talaga silang fans grabe!

"pwede din palang pumasok kahit yung taga ibang school bukas" sabi ni Thea na nakapagpalaki ng mata ko

"don't worry Ryu! kaya mo yan! 'kaw pa!" pagchicheer ni Jiro kaya lang mas lalo ata akong kinabahan

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon