Day 21

31 2 0
                                    

Ryu's POV

nagising ako sa tumamang sinag ng araw sa mukha ko. kinapa ko ang cellphone ko sa bedside table at tinagnan kung anong oras na at 7:30 pa lang. maaga pa pero naligo na ko at nag ayos ng sarili ko.

napagdesisyunan kasi namin na gumawa ng activities ngayon like scuba diving, banana boats and so whatever. mamayang 10 pa naman yun kaya keri lang.

wala dito sa kwarto si Thea. siguro kasama yung mga boys. di na siguro nila ako ginising.

nagsuot lang ako ng white short at white long sleeves na may stripe na blue. lumabas na ko dahil napagdesisyunan ko ng kumain. sa hotel restaurant na lang ako kumain para di na ko lumayo.

"bibimbap, kimchi and water" order ko medyo nagago ako nung tanungin ako nung waiter kung isa lang pero sinabi ko na lang na "oo". eh pano ba naman. kitang mag-isa lang akong pumasok at naka-upo dito!

mga ilang minuto lang ay dumating na ang in-order ko kaya kinain ko na agad. gutom na kasi ako.

nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang magring ang cellphone ko. hindi ko na tinignan ang caller id at sinagot na lang ito.

"hello?"

<nasan ka?> sabi ng nasa kabilang linya na si Thea

"kumakain ako" sabi ko at nilunok yung kinakain ko at uminom ng tubig

<daya! kumakain ka na! di pa kami kumakain! saan ka nga?> reklamo ni Thea

"sa hotel restaurant" sabi ko at yun sinabi niyang pupunta sila at makikisabay kumain

nag order pa ko ng tteokbokki dahil medyo nagugutom pa ko. nang dumating yung order ko, saktong dumating din sila

"daya oh! guys! kumain ng bibimbap, kimchi tas may tteokbokki pa!" sabi ni Jiro

ang takaw talaga niya. kahit mga konting ingredients na lang natira sa dalawang bowl alam na alam kung ano yung nilagay dun.

naupo na sila sa table ko at nag order sila ng soondubu jiggae, bibimbap atsaka japchae. ang dami nilang inorder kaya sa tingin ko ay mamumulubi si papa ng dahil sakanila.

"wwoohh! sarap!" sabi ni Cian pagkasubo niya ng mainit na soondubu jiggae. mas masarap kasi talaga kapag kinain mo ng mainit pa.

matapos naming kumain at magkwentuhan ay bumalik kami sa hotel para magpahinga at magpalit para mamaya sa activities.

actually, sasamahan ko lang sila. di naman kasi ako mahilig sa ganun except sa jet ski. favorite ko yun eh.

mga 9:30 ay nagbihis at bumaba na kami at ayun nga nagsimula na sila sa mga activites nila like scuba diving. takot pa nga si Jiro eh hahaha. ako ayun, nanonood lang sakanila. bawal kasi talaga ako dyan. papagalitan lang ako nila papa.

kina-usap ko yung nag-a-assist kila Thea.

"uhm, pwede na ba yung jet ski?" tanong ko. pabago bago kasi yung oras nila eh pero kahapon alam ko umaga yun eh.

"mamayang hapon pa po eh" sabi niya kaya tumango tango na lang ako

~ * ~

Thea's POV

kasalukuyan kaming nagtatawanan dahil kakatapos lang namin mag scuba diving. ang saya saya lang. marami na kaming activities na nagawa. actually pa ulit ulit na nga yung ibang activity na ginagawa namin pag natrip-an at nabitin kami.

"oras na?" tanong namin kay kuyang nag-a-assist

"3:51 po" sabi neto

"grabe! hapon na pala! di man lang natin napansin!" sabi ni Klein

"saan nga pala si Thea?"

~ * ~

Ryu's POV

hindi ko napansin yung oras. mag 4 na pala ng hapon. na-enjoy ako sa sundae at fries masyado. iniwan ko na kasi sila Thea dahil mangingitim lang ako dun pero pabalik naman na ko at nakita ko sila na naka-upo sa mababang parte ng tubig at nagtatawanan.

"oy, guys!" tawag ko kaya napalingon sila sakin

"hoy! babaita ka? saan ka ng galing?" tanong ni Thea at binasa pa ko ng tubig pero sa may hita lang naman tumama

"nag-ikot ikot lang" sabi ko at tumabi sa kanila

"tapos na kayo?" tanong ko ulit

"ewan hahaha" sabi ni Jiro

"tara banana boat!" aya ko. nagtanong kasi ako kay papa at pinayagan naman ako

"di pa natin nagagawa yun!" sabi ni Klein kaya agad naman silang pumayag

kumuha kami ng dalawang banana boat dahil 8 kami at 4 ang kasya sa isang banana boat. nasa kabila si Thea pero pareho kaming sa harap naka-upo. sa likod niya si Xander at ng babae. namula kaya naman binigyan ko siya ng mapang asar na ngiti kaya nagquiet sign siya. sa kabilang banana boat sila Thea, Xander, Klein at Zeke kaya kasama ko si Cian, Kyle at Jiro. may naramdaman na kong umupo sa likod ko at si Kyle pala iyon kaya nginitian ko na lang. sumunod na nga si Jiro at Cian.

after a coupleof minutes ay gumalaw na yung boat sa harap na naghahatak samin at ayun na nga. umandar na. tawanan lang kami ng tawanan.

"HOY! SI XANDER ATSAKA SI THEA ANG SWEET OH!! HAHAHAHAHA!" sigaw ni Jiro at Cian habang nakaturo pa kila Thea

"SHUT THE FCVK UP!" sigaw naman ni Thea habang namumula yung mukha

"hey! don't cuss!" rinig kong sabi ni Xander kay Thea kaya hindi ko alam kung kikiligin ako o ano eh!

but I guess nothing special today hahaha

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon