Thea's POV
"asan ba si Klein?"
lunch time ngayon at hindi kami magkakasabay maglulunch kaya na isipan namin na mag-uusap na lang kami muna dahil sa Klein ay nagcutting dahil broken hearted siya
"nasa studio" sagot ni Cian
dali dali akong nagpunta sa studio
~ * ~
Cian's POV
"ano na kayang nangyayari sa loob?"
nandito kami sa labas ng studio nila Jiro at Xander. hinihintay namin na matapos mag usap sila Klein at Thea. hindi kami makapasok kasi ni lock ni Thea yung pinto. parang galit na galit siya?
"bakit kaya absent si Ryu?"
oo nga pala. absent din pala si Ryu pero hindi namin alam kung bakit
"ewan ko eh hindi naman---" napatigil sa pagsasalita si Jiro nang marinig naming sumigaw si Thea
nagkatinginan kaming lahat at dahil curious kami sa nangyayari ay dinikit namin ang tenga namin sa may pinto
"Hindi mo ba alam ang nangyari kay Ryu?! Nang dahil sa kagaguhan mo, na ospital siya! Alam mo ba na pagpunta pa lang sa ganoong klase ng lugay ay bawal na sakanya!? Kasi mahina yung puso niya! Ang hirap kasi sayo sinasarili mo lahat! Parang hindi mo kami kaibigan eh!" sigaw ni Thea sa loob
napanganga kaming lahat sa sinabi ni Thea
may sakit si Ryu? bakit hindi niya sinabi samin at bakit si Thea lang ang nakakaalam?
agad kaming umalis sa tapat ng pinto at sakto naman ang pagkalabas ni Thea na umiiyak
napatingin kami kay Klein pagkalabas
mukha siyang wasted. kulang na lang magsuicide na to. pang suicidal na kasi yung itsura eh!
"ano nangyari?" bulong ni Jiro
nagulat na lang kami ng biglang tumakbo si Thea at Klein paalis
what's happening?
~ * ~
Ryu's POV
"kuya okay na po ako. wala namang masamang nangyari sakin eh" sabi ko
nandito ako ngayon sa hospital. nahimatay pala ako kagabi. pinagalitan ako ni daddy pero okay naman na kasi walang nangyaring masama sakin
"sa susunod kasi nagpapaalam ka! Kung saan---"
"oo na nga po. sorry na po. eh kasi naman si Klein. kinabahan kasi ako kagabi atsaka hindi ko alam gagawin ko kaya nagpapanic na ako tapos ayun." pagputol ko sa sinasabi niya at kumagat ng mansanas
sabi kasi ni kuya humina daw yung pagtibok ng puso ko pero buti na lang dahil matapang ako.
"Ryu!" nagulat ako dun sa tumawag sakin
napatingin ako sa may pintuan
nanduon si Thea, Klein, Jiro, Cian at Xander
nanlaki ang mga mata ko
bakit nandito sila? hindi dapat nila alam...
"T-thea.. b-bakit--"
"Ryu! sorry! sorry talaga! dahil sakin napahamak ka! sorry talaga! sorry!" nagulat ako sa biglang pagyakap sakin ni Klein naramdaman ko rin na nabasa yung balikat ko
"K-klein.. konting luwag lang k-kasi..." hinihingal kong sabi kaya bumitaw din siya agad
napatingin ako kay Thea
namamaga yung mata niya
"bakit kayo umiiyak?" natatawa kong tanong
pano kasi halos lahat sila umiiyak. si Xander teary eyed lang naman
"wag nga kayong umiyak. di pa naman ako mamamatay--- Aray!" hinimas ko yung kaliwang braso ko na pinalo ni Thea
"wag mo nga sabihin yan! kainis 'to!" natawa na lang ako kay Thea
Lord, sana ipinakilala mo sila saakin noon pa

BINABASA MO ANG
1 Month With Him
Teen FictionThis is a story of a girl who is strong and ready to fight but what if even she can fight for something but can never win it? What if she met a guy while she's loosing hope? Will this be the guy who will be the reason for her to fight? Or this guy w...