Day 25 (part 1)

27 2 0
                                        

Ryu's POV

"oh guys! ayos na ba yung gamit niyo?"

nandito na kami sa labas ng resort at hinahantay namin yung van. pauwi na ulit kasi kami

"wala na kayong naiwan ha? tara na!" sabi ko kaya nagsipasukan na kami sa van

"Thea okay ka lang? kanina ka pa tahimik eh" puna ni Cian kaya lahat kami napatingin sakanya

"okay lang ako. medyo masama lang pakiramdam ko" sabi neto at pumasok na sa van

sa passenger seat si Zeke. kami nila Xander, Thea at Kyle sa back seat. at sa likod sila Jiro, Cian at Klein

sa may bintana si Xander tas tabi niya si Thea na nasa kaliwa ko, si Kyle naman sa kanan ko

"are you okay?" rinig kong tanong ni Xander kay Thea kaya naman napatingin ako sakanila

"yes I am.. I just need some rest.." sabi pa neto kaya pinasandal na lang siya ni Xander sa balikat niya para makatulog siya

she need some rest? kanina pa kaya siya tulog ng tulog! di na nga siya nagswimming simula kahapon!

kasi ayun nga. hindi siya sumunod! tas kanina, final swimming namin di rin siya sumama! grabehan na 'to! hindi kaya??? ay hinde! masyado kang OA Ryu! pero pano nga kung--?

"lalim ng iniisip ah" sabi ni Zeke na nasa passenger seat.

nakita niya pala ako sa rear view mirror..

"wala naman.. some stupid stuffs" sabi ko kaya naman napatango na lang siya

napatingin ako kay Kyle sa tabi ko. mukhang pagod na pagod siya. hindi siya naka-straight ng upo. yung parang naka-higa na siya eh. gusto ko sana ipasandal sa balikat ko kaya lang ang liit ko kaya!

at dahil matalino ako, naiisip ko na siya na lang yung gumamit ng neck pillow ko.

dahan dahan akong umangat at ipinatong yung tuhod ko sa upuan para support at dahan dahang ini-angat yung ulo niya at nilagay sa leeg yung neck pillow kasi alangang sa braso niya ilagay yun diba? kaya nga neck pillow

so ayun, matapos kong malagay yun ang naupo na ulit ako at sumandal na lang sa balikat niya. well, siya gumagamit ng neck pillow ko..

~ * ~

"guys wake up! nandito na tayo sa airport!" gising ni Klein kaya naman agad din kaming nagsikilos at pumasok na sa airport

"guys cr lang ako" sabi ni Thea

"samahan na kita" sabi naman ni Xander at nagpunta na nga sila sa cr

lahat nakatingin sakanila hanggang sa mawala sila sa paningin namin

"kahapon pa ganyan si Thea"

"oo nga eh"

"di ako sanay!"

"ang tahimik niya!"

"nakakapanibago siya"

"ano bang meron dun?"

sunod sunod na complain nila

kahit ang nagtataka kay Thea eh. pero hindi ko na lang muna kakausapin. baka wala lang sa mood

hinintay namin silang makabalik at sumakay na kami sa eroplano. sakto lang kasi yung pagdating namin dito

tumabi na lang ulit ako kay Kyle since nasa kanya yung neck pillow ko. na upo ako sa tabi ng bintana kaya nasa kaliwa ko siya

"guys groufie muna!" sigaw ni Klein kaya naman ayun nga naggroufie kami kahit ang dami dami na naming picture

"you want to sleep?" tanong ni Kyle kaya naman um-oo ako dahil antok na rin ako. nakakapagod kasi talagang bumyahe

inakbayan niya ko at pinasandal sa balikat niya. kumportable naman kaming naka-upo kaya keri naman. medyo nakababa din yung sandalan namin kaya mas madali kaya parang sa braso nako ni Kyle nakahiga. medyo tumagilid ako at niyakap ko siya. bukod kasi sa gusto ko, malamig din kasi. ahehehehe

kinikilig si ako! ay jusme! I'll just contain my feels okay? hahaha

~ * ~

Thea's POV

kinakabahan ako..

hindi ako mapakali kanina pa. jusko!

eh kasi nagsusuka nga ko kahapon pa. baka naman may nakain ako?

baka nga siguro may nakain akong di kaya ng tyan ko dun sa hotel. okay na yun! wehehehe

but...

fcvk this mood swings!

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon