Day 20

31 2 0
                                    

Ryu's POV

"TANGINA XANDER TIGILAN MO KO!!"

nandito kami ngayon papunta sa beach. si Xander hinahabol si Thea kasi bubuhatin papunta dun sa tubig tas itong si Thea, choosy pa! hahaha

"tss. kulang na lang tong dalawa magkatuluyan na" sabi ni Cian kaya napatawa ako sa sinabi niya

sana nga..

naglalakad lang kami papunta sa tubig nang biglang nagtakbuhan si Cian, Jiro at Klein papuntang tubig at sumisigaw pa

napatawa na lang kaming natira dito

walang sawa 'tong mga 'to! simula kahapon pa yan nagsiswimming! takot kasi mangitin kaya hapon sila nagsiswimming. oo, hapon na ngayon dahil ayaw rin naman naming mangitim

"WAAAAAHHHHH!!!!" napatingin kami kay Thea na buhat na ni Xander ngayon at papunta na sila sa tubig

"RYUUUUU!!!! SAVE MEEE!!!!!" sigaw ni Thea bago sila malubog sa tubig kaya nagtawanan kami

pumunta ako sa part na below the knee at umupo kaya sa ilalim na ng dibdib ko yung tubig. di ko pa kasi trip magswimming

pinanood ko lang silang mag-enjoy doon sa tubigan at magbasaan

"ngayon lang kasi nakapag-outing yang mga yan ng libre at walang ginagastos" natatawang sabi ni Kyle

siguro pagnag a-outing sila, kanya kanya silang bayad atsaka resort naman namin 'to kaya okay lang din

maya-maya lang din ay naisipan namin makisali kila Thea at yun, naglaro kami. nagbasaan kahit basa naman na kasi kami

mga quarter to 7 na rin ng mapagod kami sa paglalaro pero nakababad parin kami dito sa tubig

"Ryu, wala ba ditong mga activities?" tanong ni Klein

"meron kaya lang umaga lang pwede" sabi ko at tinignan sila isa-isa

~ * ~

Thea's POV

"isa pang round! dali!!"

"Jiro tumigil ka na! gusto mo bang tumaba tayo?! gusto mo bang mawalan ng abs?!"

8 pm na at nandito kami ngayon sa isang restaurant. napag-alaman kasi namin na may eat-all-you-can na gaganapin dito kaya napasugod kami. yun nga lang by rounds siya. o-order kayo ng iba't ibang bundle at kailangan yun ma-ubos at ngayon ay nakaka-isang round pa lang kami pero sobrang busog na. isang bundle kasi bawat tao, no sharing dapat since na lahat naman kami kumuha ng iba't ibang bundle, ayun pinayagan kami. papa ni Ryu ang nagbabayad netong mga pinagkakakain namin.

"dali na kasii~!" pagpupumilit ni Jiro

actually busog na talaga yan kaya lang masarap kasi yung pagkain kaya gusto niya pang kumain

"alam mo, ang takaw takaw mo!" sabi naman ni Cian at inirapan si Jiro

nagpapahinga na lang talaga kami ngayon. hindi pa namin kayang tumayo sa sobrang kabusugan

nagkekwentuhan na lang kami nang mapunta ang topic kay Ryu

"Ryu, bakit hindi ko nga pala kita yung mommy mo? nasan siya?" tanong ni Jiro habang kinakain yung natirang fries

lahat kami nakatingin kay Ryu. hindi ko pa rin kasi nakikita mama niya. wala din namang nakwento daddy niya about dun

"uhmmm.. hindi niyo na kasi siya makikita pero sure naman akong kilala niya kayo" sabi niya at ngumiti pero kahit ngumiti siya, kita yung lungkot sa mata niya

"huh? what do you mean?" naguguluhang tanong ni Zeke

"my mom died when I was 10 years old. meron kasi siyang ka-business partner na may gusto sakanya pero syempre may asawa na si mama at may anak na which is me" ngumiti ulit siya

"oh, I'm sorry I didn't---"

"hindi okay lang..." putol ni Ryu sa sinasabi ni Zeke

napangiti si Ryu

"my mom is so pretty. sino nga bang hindi magkakagusto sa isang maganda na ang panlabas na anyo pati pa ang panloob diba? then one time nung nasa park kami ni mommy, bumili ako ng ice cream nun at may kumuha sakin pati kay mommy and it turns out na yung lalaking kabusiness partner niya yung nagpakidnap samin. he called my dad para ipaalam na nasakanya kami and he said that he'll kill me if my dad didn't come." napayuko si Ryu pero tinuloy niya parin yung pagkekwento, "syempre, yung daddy ko pumunta. wala siyang kasama na pulis kasi pag nagsama daw siya ng pulis, hindi lang ako ang papatayin niya pati na rin si mommy. magkatalikod kami ni mommy nun at naramdaman kong tinatanggal niya yung pagkakatali sa kamay ko at nang matanggal na ni mama yun, tinanggal ko na rin yung sakanya. umabot sa point na nainis yung lalaki. he was about to shoot my father kaya hindi na ko nakapagpigil at hinarang ko yun. akala ko ako yung tinamaan nung narinig ko yung putok ng baril pero pagdilat ko, nakita ko si mommy sa harap ko. nanghihina. may tama ng bala sa dibdib." umiiyak na siya habang nagkekwento kaya pinunasan niya ang luhang umaagos sa pisngi niya. "I cried a lot that moment that time. those days na wala na si mommy. dun din namin nalaman ni daddy na---" napatigil si Ryu sa pagkekwento at napatingin sakin. "dun namin nalaman na he used drugs kaya nagawa niya yun..." sabi ni Ryu. alam kong hindi dapat yun yung sasabihin niya. alam kong madudulas na dapat siya.

"sorry talaga! dapat di na ko nagtanong eh!!" humahagulgol na sabi ni Jiro kaya medyo natawa na din kami. dun lang din namin napansin na kaming lahat na pala naiyak sa nalaman namin.

"hay nako! tara na nga! wag na kayong malungkot! for sure lagi din naman nating kasama si mama at binabantayan niya tayo at magagalit yun kapag hindi pa tayo nagpahinga sa hotel at magpalit ng damit" napatawa kami sa sinabi ni Ryu

oo nga pala! hindi pa pala kami nagpapalit ng damit. mga topless pa ang mga boys at naka-two piece lang kami..

1 Month With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon